Ama na binilan ng pamaskong donut ang mga anak na halos kalahati na ng kaniyang sweldo, labis na hinangaan sa social media!



Sa panahon natin ngayon, hindi maipagkakaila na marami sa atin lalo na ang mga kabataang ang tila nakakalimot sa mga bagay na dapat nilang ipagpasalamat at pahalagahan dahil sa mas madali nila itong nakukuha at hindi na kailangan pang paghirapan ng husto dahil mayroon naman silang mga magulang, mga kapatid, o mga kamag-anak na handang tumulong at sumuporta sa kanila anuman ang mangyari. Nakakalungkot mang isipin ngunit mas marami sa atin ang tila naiinggit pa sa kanilanng kapwa at sa mga bagay na kanilang tinatangkilik at hindi na nagagawa pang makita ang mga bagay na mayroon sila.



Kung kaya naman umantig sa puso ng netizen na ito ang mag-amang narinig niyang nag-uusap habang siya ay nasa harapan ng dyip. Sa Facebook page na Viral King ito unang nakita ng maraming mga netizens. At talaga namang umantig sa kanilang puso ang naging usapan ng mag-ama.

Nauna nang itanong ng anak kung nasaan na ang kanilang tatay dahil sa wala ang kanilang nanay at kanina pa nila ito hinihintay umuwi. Sagot naman ng ama ay pauwi na siya at ang kalahati ng P400 kinita niya buong araw ay ipinangbili niya ng donut na aniya ay pamasko na niya sa kaniyang mga anak. Ang sagot naman ng anak ay kahit wala silang handa para sa Pasko kinabukasan ay ayos lamang basta’t makauwi lamang at makapagpahinga ng maayos ang kanilang tatay.


Dahil sa naging usapan na ito ng mag-ama ay talaga namang nabuhayan ang marami sa atin kung gaano ba talaga kahalaga ang pagmamahal sa isang pamilya, gayundin naman ang respeto at pagmamalasakit ng mga anak sa kanilang ama. Tunay nga na hindi kailanman magiging mas matumbas ang salapi o mga materyal na bagay sa mga taong mas nagbibigay ng halaga at importansya sa mga bagay na kailan man ay hindi mabibili o matutumbas ng kahit gaano kalaking halaga ng kayamanan.




error: Content is protected !!