Maine Mendoza at Arjo Atayde ipinagdiwang ang kanilang unang taong anibersaryo bilang magkasintahan!



Tunay nga na marami ang kinilig at napa-sana all sa mga nakakakilig na larawan na ibinahagi ng magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde para sa pagdiriwang ng kanilang unang taon bilang magkasintahan. Ika-21 araw ng Disyembre nang magbahagi ng larawan ang dalawa sa kani-kanilang mga social media account. Ilan nga sa mga ito ay ang sweet photo ng dalawang habang sila ay magkatabi at masayang nakasakay sa isang puting yate.



Sa kaniyang Instagram ay nagbahagi ng larawan si ang Kapuso actress at host na si Maine Mendoza ng kanilang larawan kasama ang napakatamis na mensahe para sa kaniyang nobyo. Nilagyan niya ito ng caption na “Happy first [heart emoji]”.


Lalo pang kinilig ang kanilang mga fans at supporters ng magkomento sa post na ito ang aktor na si Arjo Atayde na nagsabing “I’m cr!ng… I love you [heart emoji]”. Marami din sa kanilang mga tagahanga ang bumati sa magkasintahan sa kanilang anibersaryo.


Ilan din sa malalapit nilang kakilala at mga katrabaho sa industriya ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa dalawa katulad na lamang nina Ria Atayde na kapatid ni Arjo, ang celebrity mom na si Bianca Gonzales, Iza Calzado, at marami pang iba. Habang isinusulat ang artikulong ito ay mayroon nang higit sa 450,000 na mga “likes” ang post na ito.


Hindi rin naman nagpahuli sa ka-sweetan ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde dahil isang oras matapos magpost ni Maine ay mayroon din itong sweet na mensahe para sa nobyang tinawag niyang “babs”, term of endearment ng huli para kay Maine. Nagbahagi din siya ng larawan nila ni Maine sa dalampasigan habang nakangiti sila at magkahawak ng kamay. Tunay nga na damang-dama ng publiko ang matamis at wagas na pagmamahalan ng dalawa sa kabila ng mga taong patuloy na humuhusga at bumabatikos sa kanilang pagmamahalan. Mas marami pa din ang nagmamahal at sumusuporta sa kanilang kaligayahan at pag-iibigan. Congratulations Maine at Arjo!






error: Content is protected !!