Pinay na nakatira sa America ipinasilip ang loob ng kaniyang “motor home”



Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang “house on wheels” o ang “motor home” ng isang Pilipina na ito na naninirahan na sa Amerika kasama ng kaniyang pamilya. Ang kaniyang YouTube channel na “HappyCamperMarie” ay mayroon nang higit sa 13,000 mga tagasubaybay kung saan ibinabahagi niya ang mga putahe na kaniyang niluluto para sa kaniyang pamilya at ilang mga video ng kaniyang pamamasyal sa Pilipinas at sa iba pang panig ng mundo.



Ang kaniyang video patungkol sa kaniyang “house on wheels” ay umabot na ng higit sa isang milyong views ngayon sa social media at talaga namang umani ng sari-saring reaksyon at komento mula sa publiko. Ang nasabing Pilipina ay nakilala bilang si Marites o kilala din sa kaniyang palayaw na Marie o Tess.

Maraming mga netizens ang namangha dahil sa kaniyang pagbabahagi ng kaniyang “house on wheel” sa Amerika kung saan siya ay naninirahan. Tunay nga na hindi lahat ay nabibigyan ng pambihirang pagkakataon na magkaroon ng maginhawang buhay sa ibang bansa at magkaroon ng ganitong uri ng sasakyan.



Ayon kay Marites ay hilig talaga ng kaniyang pamilya ang magbiyahe kung kaya naman kapag wala sila sa kanilang tahanan sa Amerika at lulan sila ng kanilang motor house na talaga namang napakaluwag at napakagara din. Ang kaniyang “house on wheels” ay mayroong dalawang upuan sa harapan nito kung saan siya nauupo sa tabi ng kaniyang mister na siyang nagmamaneho. Ipinakita din niya ang telebisyon sa harapang bahagi ng kanilang magarang sasakyan.



Kasunod naman nito ay ang kanilang “living area” o ang tanggapin nila ng bisita na kung saan maaari ding gawing higaan ang isa sa mga sofa nito kung kinakailangan ng karagdagang matutulugan. Mayroon na din silang sariling lababo, lutuan, oven, stove, coffee maker, at refrigerator sa loob ng kanilang motor house. Mayroon din silang “dinette” kung saan kasya ang apat na katao habang kumakain at maaari din naman itong maging tulugan kung kinakailangan.

Ipinakita din ni Marites ang kanilang paliguan at ang lagayan ng kanilang ibang gamit at mga damit. Ang kanilang silid-tulugan ay talaga namang napakaganda rin at napakaluwag dahil sa Queen-size bed ang kasya rito. Bukod dito ay mayroon din silang sariling telebisyon at ang bawat bahagi ng kanilang motor house ay may kani-kaniyang pintuan upang mas maging pribado at komportable ang mg taong lulan nito, pamilya man o bisita. Marami din siyang mga cabinet at ilan pang espasyo para imbak ng kanilang tubig-inumin, mga pagkain, mga kagamitan, at ilan pang mga damit.




error: Content is protected !!