Binibining Cebu Beatrice Luigi Gomez proud sa kaniyang nobya!

Sa panahon natin ngayon tunay nga na napakarami na ring pinagbago ng maraming mga bagay sa ating paligid. Hindi lamang mga bagong gadgets, kasuotan, musika, pagkain, o marami pang mga bagay ang nagbabago sa paglipas ng panahon. Dahil sa ang katotohanan ay marami din naman tayong mga paniniwala na nababago din sa paglipas ng panahon.



Marahil ay marami na sa atin ang nakababatid sa pagkakakilanlan ng mga taong nabibilang sa LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) community. Tunay nga na napakarami na din nilang napapatunayan sa ating komunidad ngayon ay napakarami sa kanila ang naging matagumpay sa kani-kanilang mga napiling larangan. Marami din sa kanila ay nagbibigay karangalan sa ating bansa at sila rin ay kilala dahil sa wagas nilang pagmamahal sa kanilang mga magulang at sa kanilang buong pamilya.

Kamakailan nga lamang ay maraming mga netizens ang nasorpresa ng malaman nilang ang isa sa mga kandidata sa ginanap na Binibining Cebu, na kinoronahan din bilang “Binibining Cebu 2020” na si Beatrice Luigi Gomez ay isang proud member ng LGBT community.


Ito ay matapos niyang sagutin ng tapat at walang pag-aalinlangan ang “question-and-answer portion” ng nasabing pageant na ginanap sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Cebu City Hotel and Casino noong Lunes ng gabi, Enero 13. Siya ay mula sa bayan ng San Fernando at inamin niya na siya ay mayroong nobya.
Narito ang naging kasagutan kung ano nga ba ang nakapagpapaganda sa kaniya:
“I guess what makes me beautiful is my bravery and being true to myself. To tell you guys honestly, I have a girlfriend, I have tattoos, and I’m very proud of my imperfection. And I guess that what makes me beautiful.” Pahayag ni Beatrice.

Ayon pa sa kaniya ay limang taon na silang magkarelasyon ng kaniyang nobya na siya rin namang nagtutulak sa kaniyang sumali sa mga beauty pageant. Ayon sa ilang mga ulat, ang kaniyang nobya ay ang performance DJ na si Kate Jagdon.

error: Content is protected !!