Baron Geisler masayang masaya sa pagsilang ng kaniyang anak sa misis niyang si Jamie Evangelista!



Ang pagkakaroon ng anak ay isa sa pinakamagandang biyaya na matatanggap ng isang mag-asawa sa kanilang buhay. Bagamat mayroon itong mga kaakibat na responsibilidad at tungkulin ay mas mangingibabaw pa rin talaga ang galak sa iyong puso lalo na kapag nasilayan mo na ang munting anghel ng inyong buhay at ang bubuo sa pamilya na inyong sinisimulan ng iyong mahal na asawa. Marahil ay nag-uumapaw din sa ngayon ang labis na kasiyahan at kagalakan ng aktor na si Baron Geisler dahil sa pagsilang ng kaniyang anak kamakailan lamang.



Ang kanilang napakagandang anghel ay pinangalanan nilang Baby Talitha Cumi na isinilang noong Enero 20 sa Chong Hua Hospital sa Cebu City. Proud mom and dad naman ang aktor na si Baron Geisler at ang kaniyang non-showbiz wife na si Jamie Evangelista. Nagbahagi ng larawan ang aktor sa kaniyang social media account kung saan inilarawan niya sa ilang mga salita ang kaniyang nararamdaman. Narito ang naging caption ng aktor sa larawan ng kaniyang bagong silang na anak:


“I’m in love #Imagine #TalithaCumiGeisler #LittleGirlArise #ThankYouJesus.” Pahayag ng aktor. Umani naman ng maraming mga “likes” at mga komento ang nasabing post ng aktor. Marami ding mga netizens at mga kapwa nito artista ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa mag-asawa.


Maaalalang ibinahagi din ni Baron ang pagdadalang-tao ng kaniyang misis noong Oktubre 27, 2019 kasabay ng pagbabahagi nila ng magiging pangalan ng kanilang baby girl. Isang larawan naman ng ultrasound ang ipinost ng aktor noong Setyembre 26, 2019. Ikinasal sina Baron at Jamie sa isang civil wedding ceremony noong Setyembre 12, 2019.


Congratulations Jamie and Baron! Tiyak na magiging mabuti silang ama at ina sa napakagandang regalong natanggap nila mula sa Diyos. Hindi man madali ang kanilang paglalakbay bilang mga magulang at mag-asawa ay tiyak na mapagtatagumpayan nila ang lahat ng pagsubok na darating sa kanilang buhay dahil sa magkasama sila at magtutulungan.






error: Content is protected !!