Ikinatuwa Ng Netizens Ang Isang Saksakyan Na May “Sabit” Na Limang Alaga



Para sa karamihan sa atin, malaking parte na ng buhay natin ang ating mga alaga, maging pusa man ito, aso, o ano pang klase ng hayop. Hayop man sila, kapalit naman nito ay ang walang katumbas na pagmamahal na dulot nila sa mga may ari sakanila.



Walang iwanan

Isang litrato ang ibinahagi ng Facebook page na Guardians of the Fur kung saan makikita ang isang maliit na owner jeep na puno ng gamit at may kutson pa sa taas. Hindi malinaw kung lilipat ng bahay ba ang may ari o lilikas sa bahay nila dahil sa katatapos lang na hagupit ng pagsabog ng Taal Volcano.


Ang nakapukaw sa atensyon ng marami ay ang limang alaga na nakatali sa likuran ng sasakyan. Dalawang pusa ang nasa kulungan nila at nakatali kasama ng ibang mga gamit at tatlong aso naman ang may kanya kanyang sako.

Halo-halong reaksyon


Ikinatuwa ng mga ibang netizens ang ipinakitang pagmamahal ng mayari sakanila dahil kahit lilikas na ng bahay ay nagawa pa nilang gawan ng paraan kung paano maisama ang mga alaga.

Iilan naman sa mga nagcomment ay hindi ikinatuwa ang paraan ng pagkakatali sa mga hayop. Ayon sa iba sakanila hindi tama ang pagkakasako at animal ***** daw ito.



Minsan nauuna pa

Mali man o hindi ang paraan ng pagkatali, ang mahalaga para sa ibang netizens ay ang hindi pagiwan ng may ari sa kanilang mga alaga paglikas nila ng bahay.

Napakadaling pabayaan ng mga alagang hayop. Madaling wag sila bigyan ng pagkain, pero dahil mahal natin sila, minsan nauuna pa silang kumain kaysa sa atin.

Katulad din na madali lang iwan ang mga hayop kung aalis na ng bahay. Lalo pa kung naghihikahos na kayo umalis dahil sa isang trahedya tulad ng pagsabog ng bulkan. Pero minsan ay nauuna pa natin kinukuha ang mga alaga natin.



Ito ang nakakapagpatunaw sa puso ng mga netizens. Masaya sila na mahal ng mayari ang limang alaga nila kaya kahit nakatali sa likod, isinama padin nila.

Source: Facebook