Delivery man, namataang umiiyak sa gitna ng ulan matapos tanggihan ng customer ang inorder nito!



Maraming mga Pilipino sa ngayon ang nahuhumaling nang mamili sa mga online stores dahil sa mas komportable at kombinyente sila lalo na at mayroon pang mga “Cash on Delivery” na maaari mong piliin sa pagbabayag ng iyong binili. Napakasimpleng gawin nito sa loob ng iyong tahanan kung wala ka nang oras para umalis at bumili ng iyong kakailanganin. Maaari kang mamili online ng kahit anong nais mo at kapag naiayos mo na ang lahat at naiproseso ang mga kailangan ay maaari mo na itong matanggap sa loob lamang ng ilang mga araw. Mayroon din namang ilang mga online stores na mayroong “return and exchange policy”.



Ang “online shopping” din ay naging isa sa pinakamaganda at pinakaepektibong paraan upang mas makapagbenta ng marami ang mga taong nagnenegosyo. Ang pamimili ay talaga namang mas pinadali na sa ngayon.


Ngunit tila mayroong ilang mga pagkakataon na hindi natin nabibigyang-pansin ang ilan mga bagay patungkol sa online shopping katulad na lamang ng mga taong nagdedeliver o yung mga “delivery man”. Kahit anong panahon, mainit man o umuulan ay walang sawang nagtatrabaho ang mga ito upang maihatid sa atin ang mga produktong ating binili. Kadalasan ay hindi natin naibibigay ang “appreciation” na sana kahit yun man lamang ay maipakita natin sa kanila.


Hindi na rin naman lingid sa ating kaalaman ang napakasikip na daloy ng trapiko sa Maynila at maging sa ibang panig ng bansa ngunit sa kabila nito ay patuloy at patuloy pa rin silang nagsusumikap na maideliver ang ating mga pinamili sa takdang araw at oras. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang larawan ng delivery man ang Facebook page na “Mystery Portal”. Ang lalaki sa larawan ay isa pa lang delivery man na wala nang ibang nagawa kundi ang umiyak na lamang sa gitna ng bumubuhos na ulan at malamig na panahon matapos na tanggihan ng kaniyang customer ang inorder nito na idedeliver lamang niya.


Ang GrabFood driver na nasa larawan ay ginawan pala ng prank ng isang vlogger. Ngunit sa halagang P2,250 ay talaga namang naapektuhan ang kawawang GrabFood driver. Na-late ito ng ilang minuto dahil sa malakas na ulan. Sa kabila nito ay naideliver pa rin niya ang mga order na milk tea ng nasabing vlogger na nag-prank dito.