Kylie Padilla ibinahagi sa kauna-unahang pagkakataon ang mukha ng kaniyang pangalawang anak na si Baby Axl Romeo sa publiko!



Si Kylie Nicole Sicango Padilla-Abrenica o mas kilala ng publiko bilang si Kylie Padilla ay 26 na taong gulang na aktres, modelo, at recording artist. Siya ay kilala din bilang anak ng mahusay at beteranong aktor na si Robin Padilla. Enero 2017 nang inanunsyo nila sa publiko ang kanilang “engagement”.



Agosto din naman ng taon na iyon nang isilang ni Kylie ang kanilang panganay na anak na si Alas Joaquin. Disyembre 2018 nang ikasal ang dalawa at Disyembre 2019 naman nang ipanganak niya si Axl Romeo. Kamakailan lamang ay nagbahagi ang aktres ng kauna-unahang larawan ng kaniyang bagong silang na anak na kita ang mukha nito. Narito ang kaniyang madamdaming mensahe para sa kaniyang anak:




“As soon as my kids leave my body I want nothing more than to keep them close to me. That’s what happened with Alas and it’s definitely what happened with Axl. “At the hospital I slept with him beside me and the first time he did, I felt his heart slow I felt his breath soothing and calming. We both felt the most peaceful quiet together. We were both at peace knowing we had each other. It is these moments that I truly believe in the power of touch.” Pahayag ng aktres.




Talaga namang mapapansin kung gaano kagwapo si Axl Romeo na nakuha ang kaniyang “beautiful genes” sa kaniyang ama at ina na isa rin sa mga pinakamaganda at pinakagwapong artista sa telebisyon at pelikula sa ngayon. Maraming mga netizens din ang nagpahayag ng kani-kanilang mga komento kung gaano kahusay mag-alaga at kung gaano naging mapagmahal na ina at asawa si Kylie sa kaniyang pamilya.




Tunay nga na isa siya sa mga taong handang isakripisyo kahit pa ang kanilang mga pangarap o nais gawin sa buhay para lamang maibigay ng buong-buo ang kaniyang puso at ang kaniyang sarili sa kaniyang mahal na pamilya.






error: Content is protected !!