Mga Batang Tinamaan Ng Coronavirus Sa Tsina Iniwan Ng Magulang Sa Airport



Nitong mga nakaraang araw, kumpirmado na kumalat na ang Coronavirus sa Tsina, kaya naman ang mga tao doon at nagmamadaling nagsialisan na sa bansa at nagsiliparan na sa iba’t ibang parte ng mundo.



Pagiingat

Sa pagkalat ng naturang vírus, inilagay na sa isang malawakang shut down ang Megacity Wuhan sa Tsina. Sa paglawak ng lockdown sa Hubei Province kung saan 22 million na tao ang nakatira, dumami na nang dumami ang mga lumilikas at tumatakbo sa mga paliparan.



Gumagamit ang mga opisyal ng thermal detectors na makakakita kung may lagnat ba ang mga tao na dumadaan o wala sa security ng paliparan.


Positibo



Sa Nanjing Lukou International Airport, napagalaman na may mga bata na may lagnat na. Dahil hindi nila pedeng paalisin ito at baka maging positibo sa vírus at mahawa ang mga kasama, pinigilan umano makaalis ang bata.

Hindi naman pumayag ang magulang nito at nakipagaway pa sa mga staff ng paliparan dahil ayaw nilang iwanan ang anak nila.

Matapos ang tatlong oras na pagtatalo, wala nang nagawa ang magulang kung hindi iwan ang mga bata na may sakit at sila ay lumipad na papaalis sa bansa.

Naantala naman ang mga flight at ang daloy ng mga tao dahil sa nangyaring ito sa mga bata.

Ano ito?



Ayon sa World Health Organization, ang mga senyales ng vírus ay mga respiratory symptoms, lagnat, ubo, hirap sa paghinga.

Sa ibang mas grabeng sitwasyon, maaring maging pneumonia, severe acute respiratory syndrome, paghina ng bato, at kahit pagkamatay.

Sa ngayon, hindi pa daw alam kung ilang araw ang incubation period ng coronavírus, o ilan araw dapat iquarantine ang tao upang masiguro na hindi na ito magkakaron ng vírus. Subalit ayon sa ibang source ay may incubation period daw ito na sampu hanggang sa labing apat na araw.

Source: WorldOfBuzz, 9gag

 




error: Content is protected !!