Viral ngayon: Bagong kasal nakatanggap ng P629,000 mula sa kanilang “prosperity dance” sa kanilang kasal!



Ang “prosperity dance” ay isa sa mga nakagawiang tradisyon ng maraming mga tao sa iba’t-ibang bansa. Ito ay isang paraan upang mabati ng mga bisita ang bagong kasal sa panibagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.. Kadalasang umuulan ng pera ang literal na tawag ng ilang mga tao sa tradisyong ito. Isang praktikal din itong tulong para sa mga bagong kasal dahil sa ang pera na kanilang matatanggap mula dito ay tiyak na magagamit nila bilang pagsisimula ng kanilang buhay mag-asawa, karagdagang ipon wika nga ng iba.



Ang mga bisita ay hindi naman inoobliga na magbigay ng malalaking halaga ng pera kundi kung ano lamang ay nais nilang ibigay at yung bukal sa kanilang puso. Ngunit kamakailan lamang ay kinaaliwan ng maraming mga netizens ang bagong kasal na ito mula sa Tagum City sa Davao del Norte dahil sa ang kanilang kasuotang pangkasal ay talaga namang ballot na balot ng mga salapi! Ang nakakamangha pa rito ay halos isang libo at limang-daang piso lamang ang mga salaping makikita sa kasuotan ng bagong kasal.


Ayon sa ibinahaging post ng netizen na nakilala bilang si Ernie Piamonte Balili ang ikinasal ay nakataanggap ng P629,000 sa kanilang naging “prosperity dance” sa kanilang kasal. Talaga namang manghang-mangha ang maraming mga netizens sa napakalaking halaga ng pera na iniregalo ng mga bisita sa bagong kasal na ito.


Ang mga salapi na inilagay ng mga bisita sa kanilang damit pangkasal ay nakahugis pa nga bilang mga pamaypay kung kaya naman aakalain mong dekorasyon sila sa mga kasuotan ng bagong kasal.


Ang ibang mga netizens naman ay nagkomento na isa ang bagong kasal na ito na yata ang pinakamaswerteng bagong kasal sa lahat dahil sa kanilang natanggap na mga regalo para sa kanilang kasal. Isang netizen naman na nakilala bilang si Jan Marianed Casten Faeldonia ang nagbahagi ng larawan ng kapatid ng bride kung saan mayroon din ganitong karaming regalo ang kanilang mga bisita. Patunay lamang na napakahalagang tradisyon sa pamilya ang pagsasabit ng malalaking halaga ng pera sa kasuotan ng mga bagong kasal.






error: Content is protected !!