Kompanyang gumagamit ng mga plastik na bote para sa paggawa ng kalsada na mas matibay pa ng 10 beses kaysa sa tradisyunal na kalsada, kinabiliban ng publiko!



Isang kompanya ang nakaimbento ng isang pamamaraan kung saan ang mga lumang plastic na bote ay nagiging “renewable asphalt” na mas matibay at mas tatagal pa ng sampung beses kaysa sa mga tradisyunal na kalsadang gawa sa asplato. Batid ng marami sa atin ang hindi magandang maidudulot ng napakaraming kalat na plastic sa ating kapaligiran. Kung kaya naman ang pamamaraan na ito ay labis na hinahangaan ng publiko dahil sa makababawas na sa dumi at kalat ng ating kapaligiran ay makatutulong pa sa pagsalba sa ating kalikasan.



Taong 1907 nang maibento ang mga plastic at buhat noon hanggang sa ngayon ay naging isang napakalaking bahagi na ito ng pang-araw-araw nating mga gawain. Ang mga plastik ay mayroong napakaraming mga gamit, ilan na sa mga ito ang pagiging balot o lalagyan ng mga pagkain, mga appliances, parte ng mga kotse, laruan at marami pang iba. Maging sa mga inumin o lalagyan ng mga likido na malimit nating ginagamit sa araw-araw ay gawa rin sa plastic kung kaya naman hindi na kataka-taka ang naging masamang epekto nito sa ating kapaligiran.


Kamakailan lamang ay labis na ikinatuwa ng publiko ang naging imbensyon ng isang UK company na nakilala sa pangalang “MacRebur”. Sila ang nakapag-imbento ng pambihirang pamamaraan kung paanong ang mga plastik na bote ay magagamit pa upang mapaganda at mapagtibay ang mga kalsada. Ang nasabing pamamaraan ay isang “technique” kung saan ang mga plastik na bote na ito ay magiging aspalto na mas mura at mas matibay pa kaysa sa aspalto sa merkado.


Si Toby McCartney ang CEO ng MacRebur sa Southern India ang nakadiskubre ng ideya na ito. Minsan niyang nakita ang mga nangongolekta ng basura na tinutunaw ang mga bote na ito at tinatakpan nila ng mga ito ang ilang mga lubak sa kalsada. Kung kaya naman gumawa ang nasabing kompanya ng bagong teknolohiya mula dito. Ang “enhanced asphalt” na ito ay walang ipinag-iba sa tradisyunal na aspalto na inilalagay sa kalsada ngunit sinasabing mas kaya nitong tumagal at di hamak na mas matibay din ng 60% kumpara sa aspalto na nakasanayan na nating gamitin.





error: Content is protected !!