Nakamove-on na ang babae na ito mula sa dati niyang nakarelasyon, kung kaya naman ginawan siya ng “prank” ng kaniyang mga kaibigan!



Kahit gaano pa natin kagusto na magtagal ang ating relasyon sa taong pinili o minamahal natin ay sadyang mayroong mga bagay na hindi magaganap nang ayon sa ating pinaplano. Maraming mga relasyon at mga plano na hindi nagyayari depende sa ating mga kagustuhan lamang. Malimit ay masasaktan tayo ngunit ang mga karanasan din na ito ang magiging dahilan upang mas maging mabuti at matatag tayong mga tao. At dahil sa sila ay mas matatag at mas kahanga-hanga na kumpara sa dati nilang ugali o pagkatao, mas nagiging karapat-dapat sila para sa taong tunay na magmamahal at magpapahalaga sa kanila.



Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng publiko ang isang babae na nakilala bilang si Jeune Paulian Paran na mayroong palayaw na “Yanni” na mula pa sa siyudad ng Iligan sa katimugang bahagi ng bansa. Nahirapan siyang tanggapin ang paghihiwalayan nila ng kaniyang dating kasintahan. Dahil dito ay inabot ng ilang mga linggo ang kaniyang pag-iyak at paghihinagpis dahil sa nangyari. Buti na lamang at mayroong siyang mga mabubuting kaibigan na naging dahilan upang mapadali at maging maayos ang lahat. Ang 24 na taong gulang na si Yanni ay nagtatrabaho bilang isang “operations assistant” at ang kaniyang mga ka-opisina na kalaunan ay naging mga barkada niya ang siyang tumulong sa kaniya upang makapag-move-on. Malimit na tinutukso siya ng mga ito ngunit hindi rin naman sila nagsasawang payuhan siya sa kaniyang naging karanasan.

Limang buwan matapos nito ay napapansin ng kaniyang mga kaibigan na hindi na siya umiiyak, hindi na siya nagmumukmok at unti-unti na siyang nakakabangon muli. Naging masaya na siyang muli at hindi na rin siya naapektuhan ng kanilang panunukso. Dahil dito ay naisipan din ng kaniyang mga kaibigan na i-prank siya sa pamamagitan ng isang tarpaulin kung saan nakalagay ang kanilang pagbati sa naging matagumpay na pagbangong muli ng dalaga.





error: Content is protected !!