Isang Angkas driver ang nakuhanan ng larawan ng isang netizen na mayroong kiss mark sa kaniyang uniporme, paano kaya ito magpapaliwanag sa kaniyang nobya o misis?



Sa kabila ng kinakaharap na mga kontrobersiya ngayon ng mga Angkas driver at iba pang mga motorcycle taxi services ay talaga namang nagdulot ng kagalakan at kasiyahan sa maraming mga netizens. Ang netizen na nagbahagi ng larawan ng driver ay si Angelica Maripol. Umani ng sari-saring mga komento at reaksyon mula sa publiko ang nasabing post na agad naman ding nag-viral sa iba’t-ibang social media platforms.

Ilang mga tao ang nagpahayag ng kanilang mga komento na maaaring mayroong isang pasaherong nasubsob o nangudngud sa likuran ng driver habang ito ay biglaang prumeno na naging dahilang upang magkaroon ito ng kiss mark sa likurang bahagi ng kaniyang uniporme. Isang automotive journalism, social media personality at host ng CNN Philippines na si James Deakin ang nagbahagi din ng viral post sa kaniyang social media account.



Ayon sa caption ni Deakin, malimit na lamang na pinag-uusapan ang kaligtasan sa panahon natin ngayon, ngunit gaano nga kaya kaligtasan ang isang lalaking driver kapag nakita ng kaniyang nobya o misis ang marka ng lipstick na ito sa kaniyang uniporme?


“The topic has always been about safety. I wonder how safe this driver will be when he gets home to his wife #saveangkisskuya”. Pahayag niya.
Nakilala na rin noon ng publiko si Deakin dahil sa kaniyang “speech” noon sa senado patungkol sa regulasyon ng mga motorcycle taxi sa bansa. Marami ang sumang-ayon sa kaniya na hindi man ang pagmomotorsiklo ang isa sa pinaka-ligtas na paraan ng transportasyon ay maaari din naman itong maging kasagutan sa lumalalang problema sa trapiko ng ating bansa. May ilan ding mga netizens na nagkomento na maraming mga Angkas riders ang mas disiplanado pa kaysa sa ibang mga motorista.


Tunay nga na marami nang nagiging masamang epekto ang trapiko hindi lamang sa mga estudyante at mga empleyado na nagmamadaling pumasok sa kanilang mga paaralan at opisina kundi maging sa ekonomiya ng ating bansa at ilan pang mga negosyo na talaga namang naaapektuhan ng malalang trapiko.





error: Content is protected !!