Naranasan mo din ba na umakyat ng puno noong bata ka pa?



Wala nang mas sasarap pa sa pagiging isang bata. Mga bata na naglalaro, nag-aaral, nagmamahal sa kanilang mga magulang. Tulad na lamang ng larawan ng mga batang ito na naglalaro at umaakyat sa puno. Ang mga kabataan noon ay naglalaro kasama ang kanilang mga kaibigan at iba pang mga bata sa loob o di kaya naman ay sa labas ng kanilang tahanan.



Tunay nga na hindi malilimutan ang mga sandaling ito na marami sa ating mga Pilipino sa ngayon ang nanaisin mon a lang talagang bumalik sa pagkabata at hindi na muling maging matanda pa. Maaaring nakakatawa sa marami ang ganitong kaisipan ngunit hindi ba masarap sa pakiramdam na maging bata muli at wala nang isipin pang mga alalahanin, mga problema at mga hamon ng buhay.


Sa panahon natin ngayon ay hindi na nga maipagkakaila na marami sa mga kabataang Pilipino ang nahihilig sa paggamit ng mga modernong gadget, mga cellphone, tablets, iPad, at kompyuter. Marahil ay dahil na rin sa abalang pamumuhay ng maraming mga magulang ngayon at ang pagiging moderno ng ating pamumuhay kung kaya naman hindi na rin maiiwasan ng mga kabataang Pilipino ang gumamit ng mga ganitong uri ng gadget upang maglaro o maglibang.


Ngunit kung bibigyan lamang tayo ng pagkakataon na maibalik ang nakaraan ay tiyak na marami pa rin sa atin ang pipiliin na ibalik ang dating sigla at ang dating paraan ng paglalaro ng maraming mga kabataan. Iba pa rin talaga ang saya at ligaya ng paglalaro at pag-akyat sa puno kasama ang iyong mga kaibigan. Pakiramdam mo ay wala nang katapusan ang iyong kaligayahan at talaga namang tatatak talaga sa iyong puso, isipan, at sa iyong alaala ang bawat sandali na ito na hinding-hindi kayang tumbasan ng ano mang mga mamahaling gadget o gaano man kalaking halaga ng salapi. Tunay nga na kay sarap balikan ang nakaraan lalo na kung ganito kasaya ang iyong mga alaala.





error: Content is protected !!