Babae na nabasag ng Jade bracelet sa isang tindahan, nahimatay matapos malaman ang tunay na halaga nito!



Kung ikaw ay mayroong tinitingnan na mamahaling item sa isang tindahan. Dapat nating ugaliin na ingatan ang mga ito ng husto dahil hindi natin ito nanaisin na masira o mabasag lalo na kung wala naman tayong sobrang pera upang mabayaran ito kung sakali. Tulad na lamang ng nangyari sa turista na ito mula sa Tsina na nahimatay na ng tuluyan matapos malaman ang tunay na halaga ng jade bracelet na kaniyang aksidenteng nabasag. Ang naturang babae ay nagtungo diumano sa isang jade market sa Ruili City sa South Western China.



Ayon sa mga ulat ang naturang ginang na isang turista ay nagsusukat noon ng isang Jade bracelet ngunit bigla na lamang itong dumulas sa kaniyang mga kamay na naging dahilan ng pagkakasira at pagkabasag nito ng tuluyan.


Nakuhanan ng kamera ang nangyari maging ang pagkakahimatay ng matandang babae dahil sa sobrang pagkabigla nang malaman ang halaga ng nasira niyang jade bracelet. Nagkakahalaga pala ang bracelet na nasira ng ginang ng 300,000 Yuan o $44,110 na nagdulot din ng “panic attack” sa maraming mga tao na naroroon sa lugar na pinangyarihan.


Mayroong mga nakasaksi na sinubukang magbigay ng pamilya ng 70,000 Yuan sa may-ari ng tindahan ngunit hindi ito pumayag dahil sa lugi pa rin diumano siya sa halagang ibibigay ng mag-anak kapalit ng nasirang Jade bracelet. Kalaunan ay nagkasundo silang magbayad ng 180,000 Yuan ang pamilya sa may-ari ng tindahan n Jade bracelet.


Tiyak na hindi malilimutan ng pamilyang ito ang naging karanasan nila sa kanilang bakasyon. Kung kaya naman sa mga susunod na panahon na magkakaroon ang inyong pamilya o ang inyong mga mahal sa buhay at mga kaibigan ng pagkakataong magsaya at maglibang sa ibang lugar huwag na huwag kalilimutan na mas maging maingat, at mapanuri upang makaiwas sa mga hindi kanais-nais na kaganapan na maaaring magdulot ng hindi maganda sa inaasahang masayang bakasyon.