Chinese hospital nakapag-discharge ng 1,153 na mga pasyenteng gumaling sa novel coronavirus!



Talaga namang ikinabahala ng maraming mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo ang pagkalat at tuluyang paglaganap ng sakit na novel coronavirus sa higit sa 22 bansa sa buong mundo at unti-unti pang nadaragdagan hanggang sa ngayon. Maraming mga buhay na rin ang nasawi at ilang pang mga buhay ang labis na naapektuhan ng nasabing karamdaman.



Ayon sa ilang mga ulat ay maihahalintulad ang naturang karamdaman sa matinding “pneumonia” ngunit ang kumikitil ng buhay ng maraming mga taong naapektuhan ng virus na ito ay ang mga komplikasyon naidudulot nito sa kanilang pangangatawan.


Kamakailan lamang ay nasa 1,153 na ang kabuuang bilang ng mga pasyente na naging positibo sa novel coronavirus ang tuluyan nang nadischarge sa ospital ayon na rin sa ulat ng mga Chinese health authorities doon. Nito lamang linggo ay nasa 563 katao na ang nasawi dahil sa sakit na ito at mayroon nang higit sa 28,018 na mga kompirmadong kaso ng novel coronavirus infection ang naiulat sa 31 provincial-level regions at sa Xinjiang Production and Construction Corps sa Tsina.


Sa kabila ng nakakatakot at nakakabahalang paglaganap ng sakit na ito na hanggang sa ngayon ay wala pa ring natutuklasang lunas, marami pa rin sa atin ngayon ang hindi nawawalan ng pag-asa na darating ang bagong umaga para sa ating lahat at tuluyan nang mawawala ang takot at pagkabahala ng publiko sa nakamamatay na sakit na ito.


Upang mas lalo pang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ito ay dapat ugalian na ugaliin nating lahat ang pagkain ng masusustansiyang mga gulay at prutas, pag-eehersisyo, at ang wastong pangangalaga sa ating katawan upang mas lumakas pa ang ating resistensiya at maiwasan na ng tuluyan ang pamiminsala ng karamdaman na ito. Higit sa lahat ay huwag na huwag din nating kalimutan ang manalangin ang humingi ng paggabay mula sa Diyos na kahit kailan man ay hindi tayo iiwanan o pababayaan.






error: Content is protected !!