Walang kupas na kagandahan nina Ara Mina at Jessa Zaragoza noon at ngayon, pumukaw sa atensyon ng maraming mga netizens!



Isa na marahil sa pinaka-iniingatan ng maraming mga artista ang kanilang mukha o ang kanilang hitsura na isa sa kanilang mga puhunan sa pagpasok nila sa industriya ng show business. Kung kaya naman marami sa mga sikat na artista ay hindi pinababayaan ang kanilang sarili at ang kanilang pangangatawan.



Kahit pa nga ilang mga taon na ang lumipas at masasabing hindi na sila mga bata pa ay naroroon pa din ang kanilang angking kagandahan. Malimit nga silang inilalarawan bilang “Timeless Beauty” dahil talaga namang hindi mo maipagkakaila na walang nabago sa kanilang mga hitsura. Sa katunayan ay madalas pa nga na mas gumaganda pa sila sa paglipas ng panahon.

Tulad na lamang ng mga aktres na sina Ara Mina at Jessa Zaragoza. Kamakailan lamang ay nagdiwang ng kaniyang ika-41 taong kaarawan ang Phenomenal Diva ng Pilipinas na si Jessa Zaragoza kung saan binati siya ng malapit niyang kaibigan at kumara na si Ara Mina sa kaniyang social media account kalakip ang larawan nilang dalawa ilang mga taon na ang nakalilipas.


Sa unang larawan nina Ara at Jessa ay talaga namang mapapansin na kuha ito noong sila ay nagsisimula pa lamang sa industriya. Makikitang batang-bata pa ang kanilang mga hitsura at mga dalaga pa sila noon. Ngunit ang ikalawa nilang larawan na kuha lamang kamakailan ay talaga namang wala ding ipinagbago. Mas naging “blooming” pa nga ang dalawa na sa ngayon ay mga magulang na rin.


Si Jessa ay kasal sa kaniyang mister na si Dingdong Avanzado noon pang 2001. At sa halos higit dalawampung taon nilang pagsasama ay biniyayaan sila ng isang magandang anak na pinangalanan nilang Janelle Amanda Loyola Avanzado na 16 na taong gulang na sa ngayon. Habang ang aktres naman na si Ara Mina ay 40 taong gulang na aktres, mang-aawit, endorser, at entreprenyur. Mayroon siyang limang taong gulang na anak kay Bulakan Mayor Patrick Meneses na pinangalanan niyang Amanda Gabrielle.


Source: DefinitelyFilipino




error: Content is protected !!