Bahay na napapaligiran ng mga gulay at prutas, pangarap ng maraming mga Pilipino!



Mapalad ang maraming mga Pilipino dahil sa biniyaan tayo ng malawak na lupain upang makapagtanim ng maraming mga puno at halaman. Hindi rin problema ang ating natural na klima dahil sa mga panahon na umuulan at umaaraw ng matindi ay nagiging malaking tulong din naman sa ating mga pananim kahit papaano.

Hindi tulad sa ilang mga lugar na sobrang natutuyo ang mga pananim dahil sa sobrang init ng kanilang klima o di kaya naman ay hindi na rin talaga sila makapag-alaga ng mga puno, halaman, at pananim dahil sa sobrang lamig o nagyeyelong kapaligiran.


Sadyang napakasarap sa pakiramdam na manirahan sa isang maayos na tahanan kasama ang ating mga mahal sa buhay na napapaligiran din ng maraming mga puno, mga halaman, at mga pananim. Tiyak na hindi na natin kakailangin pa na bumili ng mga prutas o mga gulay kung tayo mismo sa ating mga bakuran ay magtatanim ng ilang mga halaman, prutas at gulay. Hindi rin naman ganoon kakumplikado ang pagtatanim ng halaman dahil sa kung nais mo talaga ito ay makagagawa ka ng paraan upang ito ay iyong maisakatuparan.




Hindi ba’t kaysarap magluto para sa iyong mga mahal sa buhay lalo na kung alam mong sariwa at walang kemikal ang mga prutas gulay na hinahain mo sa iyong asawa at mga anak? Kung kaya naman hindi na rin nakapagtataka na maraming mga ilaw ng tahanan ang nagnanais at nagsusumikap na magkaroon ng kahit maliit na hardin sa kanilang mga tahanan upang dito sila makakuha ng mga prutas at mga gulay na madalas nilang ginagamit sa paghahanda ng pagkain para sa kanilang mga mahal sa buhay.


Tunay nga na kung mayroon ka nang nakatanim na mga gulay at prutas paglabas mo ng iyong tahanan ay malaki ang matitipid mo lalo na ngayon na halos lahat ng mga bilihin ay napakamahal na rin. Mas mainam na ang pagtatanim ng ilang mga prutas at gulay sa inyong mga bakuran upang makatipid at higit sa lahat ay masiguradong walang anumang kemikal ito.



error: Content is protected !!