Megan Young at Mikael Daez labis na hinahangaan ngayon ng publiko dahil sa pagiging “minimalist couple” ng dalawa!



Kamakailan lamang ay gumulat sa publiko ang naging pag-iisang dibdib ng isa sa pinakahinahangaan na celebrity couple sa Pilipinas. Ang Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez ay nagpakasal na at talaga namang hinangaan ng publiko ang maging simpleng pagdiriwang nila ng kanilang kasal. Naging simple lamang ang kanilang pag-iisang dibdib na dinaluhan ng malalapit nilang mga kaibigan at kamag-anak. Bukod sa pagiging simple nilang dalawa sa kabila ng kanilang kasikatan ay talaga namang inspirasyon din sa publiko ang pagiging pribado nila noon sa kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Ilang araw pa lamang ang nakakalipas ng magkaroon ng isang panayam ang dalawa kung saan natanong sila kung ano ang kanilang regalo para sa isa’t-isa lalo na ngayon na nalalapit na naman ang Araw ng mga Puso. Maraming mga netizens ang kinilig dahil sa naging sagot ng celebrity couple. Ayon sa kanila ay hindi naging malaking parte ng kanilang relasyon ang pagbibigay ng regalo sa isa’t-isa. Sa katunayan ay mas nakapagpapakilig daw sa kanila ang “effort” ng bawat isa kaysa materyal na mga regalo.


Mayroon din silang payo para sa mga taong nagmamahal at minamahal upang mas lalo pang maging matamis at masaya ang pagmamahalan nila sa kanilang sinisinta. Ayon sa kanila, hindi na kailangan pang maghintay ng okasyon o ng espesyal na araw upang ipadama sa iyong minamahal kung gaano mo siya kamahal. Dahil kahit ano pang araw ninyo naisin ay maaari ninyong iparamdam at ipakita sa inyong minamahal ang wagas ninyong pag-ibig para sa kanila.




Naibahagi rin ng dalawa kung papaano sila naging praktikal noong sila ay magkasintahan pa lamang hanggang sa naging pagpaplano nila ng kanilang kasal. Hindi sila nasanay na nagbibigay ng regalo sa isa’t-isa. Gayundin noong naganap ang kanilang secret engagement na ninais sana nilang bumili ng engagement ring ngunit naisip nilang malaking pera lamang ang masasayang kung bibili sila ng mamahaling singsing.

Plinano din nilang bumili ng relo na Rolex ngunit noong nasa tindahan na sila ng branded na relo ay naisipan nilang huwag na lamang bumili dahil sa mahal ang presyo nito. Noong una ay aminadong gastador si Megan ngunit tinuruan ito ni Mikael na maging masinop at maging wais sa kaniyang pananalapi.



error: Content is protected !!