Ivana Alawi, handa na sa bagong pag-ibig na darating sa kaniyang buhay!



Sabi nila masarap daw sa pakiramdam ang magmahal at ang mahalin ka rin ng tao na pinakamamahal mo. Ngunit sa pagmamahal ay hindi rin natin maiaalis ang mga pagkakataong masasaktan tayo ng lubusan at mahihirapan na tayong magtiwala at magmahal pang muli. LNgunit para sa maraming mga tao na nakaranas nang lumuha at masaktan dahil sa pag-ibig hindi dapat natin pigilan ang ating puso na magmahal muli lalo na para sa taong karapat-dapat din namang pumasok sa ating puso at sa ating buhay.


Bukod sa atin ay nararanasan din naman ito ng ating mga paboritong artista at personalidad tulad na lamang ni Ivana Alawi. Kamakailan lamang ay ikinatuwa ng marami niyang mga tagahanga na handa na siyang umibig muli. Ito ay ipinahayag niya noon sa isang panayam sa ABS-CBN News na matagal na rin siyang single kung kaya naman sa palagay niya ay ito na ang tamang panahon upang magmahal siyang muli.


Tinanong din niya kung ano ang hinahanap niya sa isang lalaki at malugod naman niya itong sinagot na gusto niyang maging nobyo sa hinaharap ay yung taong mamahalin siya kung sino siya at yung hindi siya lolokohin dahil sa ayaw niya talaga ng manloloko. Nais din niya sana na Pilipino ang kaniyang magiging kapareha. Hindi naman siya nagnanais ng masyadong gwapo, yung tama lang ay sapat na sa kaniya.


Mayroong nalalapit na teleserye si Ivana sa ABS-CBN na talaga namang pinakaaabangan ng publiko sa ngayon. Ayon sa aktres ay maaaring sa “summer” ito ipalabas sa telebisyon. Ang pamagat ng magiging proyekto niya ay “Ligaya”. Dagdag pa niya ay natural na personalidad niya ang mapapanuod sa nalalapit na teleseryeng ito. Sa ngayon ay patuloy pang inaayos ang istorya ng proyekto na ito ngunit naniniwala ang aktres na magiging magandang palabas ito. Tiyak na aabangan ito ng milyong milyon niyang tagahanga at tagasuporta!



Source: Abscbn



error: Content is protected !!