Nanay at anak nito na mayroong 23 taong age gap pinamangha ang publiko sa angkin nilang kagandahan!



Ang relasyon ng ina sa kaniyang anak ay talaga namang kahanga-hanga. Lalo na ang ina sa kaniyang anak na babae dahil sa mga karanasan ng isang babae na pareho nilang pinagdadaanan. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na mas malapit sila sa isa’t-isa.

Tulad na lamang ng mag-ina na ito na napukaw ang atensyon ng publiko dahil sa kanilang pagkakahawig at higit pa rito ay talaga namang kapansin-pansin na sa unang tingin ay aakalain mong magkapatid o magkabarkada lamang silang dalawa.

Photo: Daily Mail

Ang ina na nakilala bilang si Joleen Diaz ay 43 taong gulang na habang ang kaniyang anak na si Meilani Pranks ay 19 na taong gulang naman. Masaya silang nagba-bonding sa maraming mga bagay na kanilang kinahihiligan tulad na lamang ng pamamasyal sa iba’t-ibang beach at pagsusuot ng mga magagarang damit.



Dahil sa batang tingnan ang ina ni Pranks ay madalas na nagdudulot ito ng pagkalito sa maraming mga tao na nakakakita sa kanila.

Photo: Daily Mail

Marami nga ang nagkokomento na hindi talaga nila makita sa unang tingin ang pagkakaiba ng dalawa kung sino ang ina o ang anak sa kanila dahil sa halos hindi nagkakalayo ang kanilang hitsura at maging ang kanilang pangangatawan. Bukod sa mukha silang magkakambal ay magkapareho din sila ng mga hilig at mga interes.

Photo: Daily Mail



Nang tanungin si Diaz kung ano nga ba talaga ang kaniyang sikreto sa kaniyang batang hitsura at pangangatawan ay agad naman nitong sinabi na aktibo ang kaniyang “lifestyle” at masusustansiyang pagkain ang kaniyang kinakain.

Mayroon din siyang kakaibang paraan ng pangangalaga sa kaniyang balat.

Photo: Daily Mail

Isang guro si Diaz at kahit pa nga maaga niyang ipinagbuntis ang anak at mag-isa niya rin itong pinalaki ay hindi siya nagkulang sa pagmamahal at pagkalinga dito. Talaga namang ipinangako niya sa kaniyang sarili noon na mamahalin at aalagaan niya ng husto ang kaniyang anak sa abot ng kaniyang makakaya.



Source: Trendzilla



error: Content is protected !!