“Appreciation post” ng isang netizen para sa mga lola na walang sawang nagmamahal at nag-aalaga sa kanilang mga apo, hinangaan ng maraming mga netizens!



Tunay nga na kahit gaano man tayo katanda, patuloy at patuloy pa rin tayong tatakbo sa ating mga ina hindi lamang dahil sa kanilang pagmamahal kung hindi dahil na rin sa kanilang pag-aalaga at suporta sa atin. Isang netizen na “first-time mom” ang labis labis na nagpapasalamat sa kaniyang mahal na ina sa walang sawang pagtulong at pagsuporta nito sa kaniya kahit na nga mayroon na siyang sarili niyang pamilya. Ang naturang netizen ay nakilala bilang si Phoebe Kate na ibinahagi sa Facebook ang kaniyang labis na pasasalamat para sa kaniyang ina na walang sawang nagmamahal at nag-aalaga sa kaniya at sa kaniyang sanggol.


Ayon sa kaniya, madalas ay hindi na napapansin pa ang nagiging parte ng mga lola sa buhay ng kanilang mga anak at mga apo dahil sa ang nagiging pokus na lamang palagi ay ang hirap o pagsasakripisyo ng mga ina. Nagsilbing paalaala ang viral na post na ito na hindi rin naman natin dapat kaligtaan na pasalamatan ang mga lola na nagiging malaking bahagi rin sa buhay ng mga “first-time mom”.
Ayon kay Phoebe, mula nang isilang niya ang kaniyang panganay na anak ay talaga namang ginabayan at tinulungan na siya ng kaniyang mahal na ina. Kahit nga minsan ay pakiramdam niyang mas mahal na ng kaniyang ina ang apo nito ay batid naman daw niyang pantay lamang ang pagmamahal nito sa kanila. Payo din niya sa maraming mga anak na huwag sanang kalimutan na pasalamatan ang mga lola dahil sa wagas nilang pagmamahal para sa kanilang mga anak at mga apo. Maaari silang i-date, bigyan ng yakap at halik, o regaluhan ng mga bagay na batid natin na magagamit nila.




Tunay nga na ang pagmamahal ng isang tunay na ina ay hindi natatapos sa kanilang mga anak dahil darating din ang panahon na ang kanilang minamahal na mga anak ay magkakaroon na din ng sarili nilang mga buhay, magkakaroon ng asawa at mga anak. At kahit pa nga dumating na sa punto na iyon ay patuloy at patuloy pa rin silang susuporta at magmamahal para sa kanilang mga mahal na anak.




error: Content is protected !!