Batang paslit na nagsisilbing mga mata ng kaniyang mahal na mga magulang, labis na hinangaan ng publiko!



Pag-ibig, isang simpleng salita para sa iilan ngunit talaga namang napakamakapangyarihan para sa marami sa atin. Marahil ay may kanya-kanya tayong kwento ng ating wagas na pag-ibig ngunit sa kabila ng pagiging iba nito sa maraming mga tao ay halos pare-pareho lang din tayo ng nararamdaman at nararanasan kapag tayo ay pinana ni Kupido.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ng marami ang larawan ng mag-asawang bulag na kasa-kasama ang kanilang anak na batang lalaki. Nakatali ng lubid ang bata sa kaniyang ama marahil ay upang hindi ito mawalay sa kaniyang mga magulang dahil tiyak na mahihirapan silang hanapin ang batang paslit. Gayundin naman ay nagsisilbing mga mata ng kaniyang mga magulang ang kanilang anak upang magabayan sila sa kabila ng kanilang kapansanan. Sa murang edad ay malaki na rin ang naitutulong ng mapagmahal na anak na ito sa kaniyang mga magulang na umantig din sa puso ng maraming mga netizens.




Maraming mga netizens ang nagpahayag ng kanilang mga positibong komento at paghanga sa naturang pamilya. Higit pa rito ay pinuri at hinangaan din ang mag-asawa na mayroong kapansanan sa kanilang paningin ngunit hindi ito naging hadlang upang sila ay magkaroon ng masaya at kuntentong pamilya. Marami ring mga netizens ang nag-tag sa kanilang mga mahal sa buhay sa viral post na ito. Ang nag-upload ng kanilang larawan sa social media ay si Nash Vallejo at nabanggit din dito ang pangalan ng taong kumuha sa mga larawan ng pamilyang ito na si John Cuenca Alterado.


Talaga namang kamangha-mangha ang pagkakaroon ng isang pamilyang nagmamahalan at nagsusuportahan sa isa’t-isa ano man ang kanilang estado sa buhay o mayroon man silang mga kapansanan. Isang napakagandang patotoo para sa maraming mga Pilipino na maging mapagpasalamat sa mga bagay na tinatangkilik natin at sa bawat taong naging bahagi at magiging bahagi pa ng ating buhay.





error: Content is protected !!