“Tupperware” na lagayan noon ng kape, asukal, at creamer patok na patok ngayon sa mga netizens!



Marahil ay napapaisip ka rin kung paano nga kaya kung maaari pang ibalik ang nakaraan? Nanaisin mo pa kayang mabalikan lahat ng mga magagandang alaala mo noon o makukuntento ka na lamang sa kung anong mayroon ka sa kasalukuyan? Saan mang aspeto ng buhay ay hindi mawawala ang panghihinayang o di kaya naman ay yaong mga bagay o tao na ninanais mong sana hanggang ngayon ay nakakasama mo pa o di kaya naman ay nagagamit mo pa. Aminin man natin o hindi, ngunit talaga namang kapansin-pansin na ang naging napakalaking pagbabago ng ating simpleng pamumuhay noon.



Kung dati rati ay ayos na sa atin ang payak na pamumuhay sa probinsiya, sa ngayon ay marami na din ang nagbabakasaling umasenso sa ibang siyudad o di kaya naman ay sa ibang bansa. Kung noon ay hindi pa uso ang mga makabagong gadgets at iba pang mga modernong kagamitan, ngayon ay talaga namang tila hindi na maiaalis pa sa ating pang-araw-araw na nakagawian.


Ngunit sa kabila ng maraming mga pagbabago at sa mga bagay na ginagamit at nagagawa natin sa ngayon, wala pa ring makahihigit sa nakasanayan natin noon. Kung kaya naman ang mga magagandang alaala natin noon ay nakatanim pa rin sa ating mga puso at isipan hanggang sa ngayon.


Katulad na lamang ng “Tupperware” na lagayan noon ng kape, asukal, at creamer na talaga namang kinagiliwan ng maraming mga netizens. Noon, marami sa kanila ang nagkaroon ng pagkakataong makagamit nito. Ayon pa nga sa ilang mga netizens ay mga pamilyang may kaya sa buhay lamang ang nakakabili ng mga ganito noon. Habang ang iba naman ay nagbahagi ng kani-kanilang mga larawan ng naturang lalagyan na hanggang sa ngayon ay buo pa at nagagamit pa nila. Talaga namang napakaraming alaala ang naihahatid sa atin ng mga nakagisnan nating bagay noon. Kayo, nakagamit din ba kayo ng ganitong lagayan noon?





error: Content is protected !!