Naalala mo pa ba ang banga na ito na dating lagayan n’yo ng tubig?



Maraming mga bagay ang talaga namang nakakaproud bilang isang Pilipino. Maliban sa mga natatangi nating galing sa pag-awit, pagsayaw, pagtatanghal, at iba pang mga talento ay talaga namang hinahangaan din ang maraming mga Pilipino dahil sa pagiging mapagmahal natin sa ating pamilya “Closed family ties” kung ilarawan ng marami, isa sa mga katangiang talaga namang tatak Pinoy talaga.



Ngunit maliban pa rito ay tila naging tatak na rin ng pamilyang Pilipino ang pagkakaroon ng masaya at payak na pamumuhay noon. Simpleng tahanan tulad na lang halimbawa ng bahay-kubo, o mga simpleng pagkain na talaga namang hanggang sa ngayon ay hinahanap-hanap pa rin ng ating panlasa.

Bukod pa sa mga ito ay hindi rin malilimutan ang mga ganitong klase ng mga kagamitan na talaga namang tatak Pilipino. Katulad na lamang ng banga na ito na kilalang-kilala ng maraming mga Pilipino noon.



Ang ganitong uri ng banga ay talaga namang kinabibiliban ng marami dahil sa pambihira at natural na paraan nito kung paano mapapalamig ang ating mga inumin noon. Tunay nga na dati ay hindi na kailangan pa ng “water dispenser”, yelo, o kaya naman ay “refrigerator” dahil sa mayroon nang malinis, tipid, at natural na paraan upang magkaroon ng malamig na inumin.

Kung sana ay maaari pa ring gamitin ang ganitong klase ng lagayan ng tubig hanggang sa ngayon. Kaya lang ay talagang unti-unti na rin itong naubos, nasira, at hindi na nabibigyan pa ng halaga dahil sa mayroon nang mas madali at mas mabilis na gamit na maaari nating gamitin.


Gayunpaman ay marami pa rin ang natutuwa at nagpapasalamat na nakaranas silang makagamit ng ganitong uri ng inuman noon. Marahil ay madalang na tayong makagamit o makakita ng ganitong mga klase ng mga lumang gamit ngunit kahit papaano ay mayroon pa rin namang iilan na naisalba ang kanilang lumang banga na pinagsisidlan nila ng kanilang tubig.



Tunay nga na walang permanenteng bagay sa mundong ibabaw, ngunit ang mga alaala, ang saya, at ang karanasang nakuha mo mula sa maraming mga bagay ay talaga namang mananatili sa iyong puso at isipan kailanman.