Jennylyn Mercado pinagmalaki ang kaniyang nobyong si Dennis Trillo na walang babae at walang bisyo!



Maraming mga taong nakaranasang nang magmahal, masaktan at umibig muli. Hindi ito madali ngunit kadalasan ay hindi rin naman natin napipigilan pa ang ating sarili lalo na kung tadhana na mismo ang nagdidikta ng iyong dapat maramdaman at kahit ano pang gawin mo ay hindi mo na talaga mapipigilan pa.



Marahil ay narinig na ninyo ang mga katagang “love is sweeter the second time around”. Maraming mga sumasang-ayon at marami din namang hindi naniniwala sa mga katagang ito. Ngunit isa sa mga makapagpapatotoo dito ay ang celebrity power couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.


Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang kanilang naging panayam sa PEP na mayroong pamagat na “How Well Do You Know Each Other?” Ibinahagi ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado (32-anyos) at ng Kapuso actor na si Dennis Trillo ang ilan sa mga nakakakilig at nakakamanghang bagay patungkol sa kanilang masayang relasyon.


Buong pagmamalaking inilarawan ng aktres ang kaniyan nobyo bilang isang lalaki na walang bisyo, walang barkada, at walang babae. Dagdag pa niya, hindi naman daw talaga maiiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan sa isang relasyon, ngunit napagtatagumpayan naman nila ang mga ito.



Kung noon ay selosan at pagiging immature ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalayan taong 2010 nang una silang naging magkasintahan ay lumiit na ng husto ang dahilan ng kanilang mga awayan sa ngayon katulad na lamang ng hindi kaagad pagrereply sa mga texts o tawag.

Pagkatapos ng hiwalayan nila noong 2010 ay naging magkatrabaho silang muli taong 2015 kung saan muling nagbalik ang matamis na pagtitinginan nila para sa isa’t-isa. At dahil sa ikalawang pagkakataon na ito para sa kanilang pagmamahalan ay mas naging handa sila para sa isa’t-isa.



Sa ngayon ay talaga namang makikita ang masayang relasyon ng dalawa at ang wagas nilang pagtitinginan para sa isa’t-isa. Marami na nga sa kanilang mga tagahanga at tagasuporta sa ngayon ang nanabik na maikasal na ang dalawa at magkaroon ng sarili nilang mga anak.




error: Content is protected !!