Saab Magalona, pinabilib at pinaiyak ang maraming mga netizens dahil sa pambihirang kwento ng kaniyang “miracle baby” na si Baby Pancho buhat ng isilang ito!



Si Maria Isabella Simone Arroyo Magalona-Bacarro o mas nakilala ng marami bilang si Saab Magalona ay 31 taong gulang na host, singer, actress, at blogger. Siya ay isa sa mga anak ng sikat na rapper, host, at aktor na si Francis M. at Pia Arroyo.



Ang kaniyang mga kapatid na sina Maxene Magalona,Frank Magalona & at Elmo Magalona ay mga sikat na personalidad din sa industriya ng show business. Taong 2015 nang ikasal siya sa kaniyang longtime boyfriend na si Jim Bacarro na isa ring miyembro ng Cheats band.


Maaalalang noong 2017 ay ibinahagi ng mag-asawa sa publiko na nagdadalang-tao si Saab at kambal ang kaniyang ipinabubuntis. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasawi rin kalaunan si Luna Isabel M. Bacarro.


Habang ang isa sa kambal na si Pancho Gerardo M. Bacarro ay himalang nakaligtas at nanatili pa sa NICU ng ila pang mga buwan. Setyembre 2019 nang muli na namang magsilang nang anak na lalaki si Saab na pinangalanan nilang Vito Tomas.



Kamakailan lamang ay nagbahagi si Saab ng isang vlog patungkol sa kaniyang panganay na anak na si Baby Pancho mula nang ito ay kaniyang isinilang. Pebrerop 2018 nang kinailangang sumailalim ni Saab sa isang operasyon upang maipanganak ng maaga ang kaniyang kambal na sina Pancho at Luna.

Kinailangang gawin ang operasyon na ito dahil sa huminto ang tibok ng puso ni Baby Luna. Hindi na nailigtas pa ang buhay ni Baby Luna habang ang mag-inang Saab at Baby Pancho ay naging kritikal naman ang kalagayan sa ospital. Ngunit isang naging napakagandang himala nang bigla na lamang lumakas si Baby Pancho at unti-unti nabigyan ng pag-asa ang buong pamilya.


Bagamat nakaligtas sa kapahamakan ang sanggol ay nagkaroon pa rin ito ng ilang mga komplikasyon tulad na lamang ng ventriculitis, pulmonary hypertension, sepsis, at grade 4 intraventricular hemorrhage. Halos kakapanganak pa lamang ni Baby Pancho noon ngunit kinailangan na niyang maoperahan sa utak.

Matapos nito ay 58 na araw pa ang inilagi niya sa ospital. Lumipas ang isang buwan ay wala nang nakitang likido sa kaniyang utak. Ngunit muli na naman itong sumailalim sa isang operasyon upang alisin ang shunt nito sa utak. Ayon sa mga doktor ay maaaring magkaroon ng depekto o abnormalidad ang bata ngunit sa awa ng Diyos ay hindi naman ito nangyari.



Sinabihan din sila na maaaring hindi na makakita pa si Baby Pancho sa paglaki nito ngunit isa na namang himala dahil sa walang anumang naging depekto ang kaniyang mga mata. Ayon pa sa mga doktor ay maaaring magkaroon ng diperensiya sa pagkilos ang bata ngunit muli ay naging maayos naman ang pagkilos nito kalaunan.

Tunay nga na napakagandang himala ang nangyaring ito sa buhay ni Baby Pancho.




error: Content is protected !!