Kwento ng isang netizen na nagkapagpundar na ng sarili niyang bahay sa edad na 30 anyos, nagpabilib sa publiko!



Hindi madali ang pagpupundar ng mga bagay na natagal na nating pinakaaasam. Maraming mga pagsubok ang talaga namang pagdadaanan natin at pagtatagumpayan bago natin makamtan ang ating pinakaaasam-asam na pangarap.



Kamakailan lamang ay talaga namang nagsilbing inspirasyon sa publiko ang post na ito ng isang netizen na nakilala bilang si Gen Rodriguez, ibinahagi niya sa social media ang naging katuparan ng kaniyang pangarap na pagkakaroon ng sarili niyang tahanan sa edad lamang na 30 taong gulang. Ibinahagi niya ang kaniyang nakakamanghang kwento sa Facebook Group na Tipids Living.

Ayon sa kaniyang kuwento, lumaki silang magkakapatid sa payak na pamumuhay lamang. Sa katunayan ay ibinahagi nito ang larawan ng dati nilang tahanan na kanilang tinirhan ng halos dalawang dekada. Narito ang kaniyang naging post:


Share ko lang po story ng family nmen. Yung first picture po bahay namen for almost 20 years. Wala po kaming sariling bahay at lupa at sa slums kami nakatira. Proud squammy here”
Dagdag pa niya ay nakapagtapos siya ng pag-aaral dahil lamang sa iskolarsyip, at sa pagsusumikap ng kaniyang ina na lubos din niyang pinasalamatan hindi lamang sa kasipagan nito kundi maging sa pagtuturo sa kanilang magkakapatid ng kahalagahan ng edukasyon.


Nang kumatok ang pambihirang pagkakataon upang siya ay makapagtrabaho sa ibang bansa ay agad niyang sinubukan ito upang makapag-ipon at maipundar na ang sarili nilang tahanan. Bagamat napakaraming mga pagsubok ang tukso ang kaniyang kinaharap habang nag-iipon ng pera na para sa kanilang pangarap na tahanan ay hindi siya nagpagapi dito.



Kung kaya naman nito lamang 2019 ay nakamtan na niya ang matagal na niyang pinapangarap. Kahit na maliit lamang ang kaniyang naipundar na bahay ay masayang masaya pa rin siya dahil sa mula ito sa kaniyang pagsusumikap at pagpapagal, bukod pa rito ay talaga namang mayroong kapayapaan at ibang kagalakan ang naidudulot lalo na kung umuuwi ka sa sarili mong tahanan.




error: Content is protected !!