Bunsong anak ni Camille Prats kinagigiliwan ngayon ng publiko dahil sa sobrang cute at bibo nito!



Si Sheena Patricia Camille Quiambao Prats o mas nakilala ng marami bilang si Camille Prats ay 34 taong gulang na aktres at nakababatang kapatid ng isa pang kilalang aktor at direktor na si John Prats.

Ikinasal siya noong 2008 sa Los Angeles, California sa “The Albertson Wedding Chapel” sa namayapa niyang asawa na si Anthony C. Linsangan na founder ng “Wheels Auto Performance”.



Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay maaga itong sumakabilang-buhay sa edad na 31 taong gulang taong 2011. Naiwanan nito kay Camille ang kanilang anak na si Nathaniel Caesar P. Linsangan. Enero 2017 naman nang muli siyang magpakasal sa kaniyang businessman na nobyong si John Yambao.






Mayroon na silang dalawang anak, si Nala at si Baby Nolan. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng ilang mga larawan sa kaniyang social media account ang Kapuso host na talaga namang kinagiliwan ng publiko.


Ang kaniyang pitong buwang gulang na baby boy na si baby Nolan Cristiano Prats-Yambao ay talaga namang game na game rin sa pagpose at pag-smile sa camera kasama ang kaniyang mommy Camille. Sino ba namang ang hindi matutuwa at manggigigil sa napakasayang ngiti ng anak ng aktres.





Umani ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko ang napakacute na mga larawan ni baby Nolan. Tunay nga na baby pa lamang siya ngunit makakakitaan na siya ng potensiyal sa harapan ng camera katulad na lamang ng kaniyang ina na noon ay nakilala rin dahil sa pambihirang pagganap niya bilang si Princess Sarah ang munting prinsesa.


Hindi maipagkakaila na marami sa ating mga Pilipino ang talaga namang hindi mapigilan ang manggigil at matuwa sa mga sanggol o sa mga batang nakakasalamuha natin sa araw-araw.

Sadyang likas kasi tayong masiyahan at palangiti kung kaya hindi na nakapagtataka na maging ang mga maliliit na bulilit at makukuha rin ang ganitong katangian, hindi ba?




error: Content is protected !!