Jimuel Pacquiao, walang pakialam sa social status ng kaniyang future girlfriend!



Ang pagiging simple at mabait ni Jimuel ay talaga namang pumupukaw ngayon sa atensyon ng maraming mga kababaihan lalo na at gumagawa na rin siya ng mga vlogs sa kaniyang YouTube channel upang mas nakilala pa siya ng kaniyang mga tagahanga. Tunay nga na isa siya sa pinakahinahangaang teen celebrity ngayon dahil na rin sa kaniyang ama na kilala sa buong mundo bilang isang legendary boxer at sa kaniyang ina na hinahangaan ng marami dahil sa mamahalin nitong pananamit.



Naging maugong rin ang kaniyang pangalan sa social media dahil sa nakatanggap lang naman siya ng isang mamahaling sports cars mula sa kaniyang ama na nagkakahalaga ng P8.5 milyong piso! Nagpapakita rin ng pambihirang interes si Jimuel sa pagboboksing kung saan hinahangaan ng marami ang kaniyang ama na si senador Manny Pacquiao.


Bukod pa rito ay talaga namang nakilala din siya bilang isang modelo. Hindi na nakapagtataka na mahusay siyang magdamit, pumorma at magdala ng kaniyang sarili. Marami ding humahanga sa kaniyang kababaihan sa ngayon ngunit natitigilan sila dahil sa mula si Jimuel sa isang prominenteng pamilya. Ngunit lingid sa ating kaalaman ay balewala pala sa kaniya ang social status pagdating sa pag-ibig o pagmamahalan.


“To me, love doesn’t really choose like if you fall in love with a girl. Like poor, average or rich. It doesn’t really matter. For example, a rich girl can fall in love with a poor guy. If I fall in love with a girl that’s not really on the same status in life, then, that would be okay since we’re in love. It doesn’t really matter.” Pahayag ng batang Pacquiao.



Para sa kaniya ay maaari naman siyang manligaw ng mas matanda sa kaniya ngunit hindi yung tipo ng age gap na magmumukhang tita na niya ang kaniyang dinedate. Ibihagi din niya sa publiko na hindi naman sa ayaw niya sa mga single mom pero hindi lang talaga niya “preference” ang mag-date ng single mom.




error: Content is protected !!