Lalaki na araw-araw kumukopya ng mga leksyon sa labas ng isang silid-aralan, viral ngayon sa social media!



Ang edukasyon ang isa sa pinakamagandang ipamamana sa atin ng ating mga magulang. Dahil sa kanilang pagsusumikap at sa kanilang pagsasakripisyo para sa ating pamilya at para lamang masuportahan tayo sa ating pag-aaral ay talaga namang mas nagiging madali para sa marami sa atin ang matupad ang ating pangarap na makapagtapos ng ating pag-aaral.



Hindi biro ang tagal ng panahon na ating gugugulin sa ating pag-aaral bukod pa ang mga gastusin at mga bayarin na kailangang paglaanan ng sapat na salapi. Sabihan man natin na dapat maging libre ng edukasyon para sa maraming mga Pilipino ngunit tila medyo mahirap pa rin iyon sa ngayon lalo na sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin at iba pang mga pangunahing pangangailangan natin.

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang isang lalaki na ito na araw araw ay dumudungaw sa labas ngisang silid-aralan hindi upang manggulo o makipag-away ngunit upang magsulat ng mga aralin! Nakakamangha hindi ba?


Kung marami sa mga kabataan ang ayaw na ayaw magsulat, magbasa, o mag-aral ngayon, mayroon pa palang mga taong nagnanais na makapag-aral sa isang silid-aralan. Ang netizen na nagbahagi ng mga larawang ito ay walang iba kundi si Jun De Los Santos.

Mayroon itong caption na, “So ayun nga, habang nagkaklase, parang ramdam kong may nakadungaw sa bintana. Pagsilip ko siya ulit, araw araw ay kumokopya siya kung ano ang nakikitang naka-flash sa TV. Good job Kuya!”
Talaga namang mapapansin sa mga larawan ang pagnanais niyang magsulat ng magsulat ng mga aralin. Bagamat hindi pa alam hanggang sa ngayon ang pagkakakilanlan ng lalaki ay talaga namang marami nang humahanga sa kaniya.


Isa siyang napakagandang inspirasyon para sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataan na tila nakakalimutan na yata ang tunay na kahalagahan ng edukasyon na siyang pilit na pinagsusumikapan ng kanilang mga magulang na kanilang matapos para na rin sa kanilang magandang kinabukasan.






error: Content is protected !!