Inasal resto na mayroong mga lalagyan ng sawsawan na hango sa mga kilalang bote ng alak, patok na patok ngayon sa mga netizens!



Marahil ay napakarami sa ating mga Pilipino ang “guilty” sa dalawang mga gawain na ito. Ang pagkain, at ang pag-inom ng alak. Tunay nga na napakasarap kumain sa mga panahon natin ngayon dahil sa napakaraming pagpipiliang pagkain mula sa mga kilalang putahe ng mga Pilipino o maging ilang mga pagkain na mula sa ibang bansa tulad na lamang halimbawa ng nauuso ngayon na Samgyupsal.



Siyempre hindi naman din mawawala sa uso ang inuman, isang nakasanayang gawain ng maraming mga Pilipino lalo na kung may nais tayong ipagdiwang na kaarawan, promosyon sa trabaho, kasalan, binyag, pista, at marami pang iba.

Ngunit sino nga ba naman ang mag-aakala na ang dalawang hilig natin ay maaaring pagsamahin? Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang isang Inasal resto na ito na matatagpuan sa LB Square Parkway, Lopez Avenue, Los Baños, Laguna.
Ang pangalan ng Inasal na resto na ito ay “Joe’s Inasal” na bukas mula 11 ng umaga hanggang 11 ng gabi. Marahil aakalain mo na tipikal na negosyo o kainan lamang ito ngunit sadyang kakaiba ang lagayan nila ng mga sawsawan at condiments.


Dahil sa ang mga kilala nating alak tulad ng Ginebra, Red Horse, at San Miguel ay ginawa lang naman nilang lagayan ng mga suka, toyo, at chicken oil! Hindi na nga yata maiaalis pa sa panlasa nating mga Pilipino ang masarap na sawsawan pagdating sa ating mga kinakain.

Sino ba namang ang makatatanggi sa mainit na kanin, masarap na Inasal, sawasan na sinamahan pa ng chicken oil? Nakakagutom naman talaga hindi ba? Umani nga ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko. Hindi na nakapagtataka na mas dinarayo pa sila ngayon dahil sa pagiging malikhain nila pagdating sa kanilang mga lalagyan ng sawsawan.


Bukod pa rito ay talaga namang hindi magsasawa ang maraming mga Pilipino sa paborito nating putahe, ang Inasal.






error: Content is protected !!