Sosyal na relief packs sa isang barangay sa Quezon City kinabiliban ng maraming mga netizens!



Sa maraming mga siyuda at barangay sa iba’t-ibang lugar sa ating bansa, ang kadalasang ipinamamahagi na relief packs ng lokal na pamahalaan ay mayroong ilang kilong bigas, mga instant noodles at iba pang mga sardinas at de-lata. Gayundin naman ang ibinibigay na tulong ng isang barangay na ito sa Quezon City, ngunit ang kaibahan lamang ay SPAM at Libby’s Vienna sausage ang mga de latang ito.



Kung ang ibang mga barangay ay mayroong tuna, corned beef, o sardinas talaga namang napa-sana all ang maraming mga netizens dahil sa sosyal na mga de latang ito. Hindi maipagkakailang ang Quezon City ang isa sa mayroong pinakamataas na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa katunayan, sa halos 6,200 na bilang ng mga positibong kaso sa buong Pilipinas na naitala mula nito lamang Abril 19, 2020, ang Quezon City ang nakapagtala ng mahigit sa 1,000 bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan. Ngunit ang Barangay Doña Josefa sa Quezon City ay COVID-19 free pa!



Kung kaya naman bilang pagdiriwang sa naturang kaganapan, ang kanilang lokal na pamahalaan ay nagpamahagi ng “sosyal pack” sa kanilang nasasakupan kung saan mayroon itong dalawang kilo ng honey rice, at tig-apat na lata ng mamahalin at masarap na SPAM at Libby’s Vienna sausage. Sa Facebook page mismo ng kanilang kapitan na si Brgy. Chairman Louie Munoz makikita ang mga larawan ng mga food packs na inihanda nila para sa kanilang mga kabarangay.

Tulad ng inaasahan, maraming mga netizens ang talaga namang natuwa sa naturang post na agad din namang nag-viral. Komento pa ng ilang mga netizen, kahit isang lata man lamang ng naturang de-lata ay hindi sila mabigyan ng kanilang barangay ngunit ang barangay na ito ay talaga namang tig-apat na lata pa ang ipinamahagi.


Talaga namang umani ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko ang naturang post.






error: Content is protected !!