Yayamaning mansyon ni Ivana Alawi sa Bahrain, silipin!



Ang pagkakaroon ng isang maaliwalas at tahimik na tahanan ay isa na nga yata sa mga bagay na pinapangarap ng maraming mga Pilipino. Sa panahon natin ngayon, batid naman natin na mayroon pa ring mga pamilya na walang sarili nilang mga tahanan at nagtitiyaga na lamang sa pagrerenta ng kanilang masisilungan buwan buwan.



Hindi rin naman ito maituturing na praktikal dahil sa kahit ilang mga taon pa ang lumipas ay hindi pa rin naman magiging sa iyo ang tahanang iyong binabayaran. Maging ang ilan sa pinakasikat na mga artista sa ngayon ay nagdaan din naman sa ganitong sitwasyon.


Nagsumikap at nagtiyaga upang sa wakas ay makamtan na ang kanilang pinapangarap na pag-asenso sa buhay. Una na nga sa mga ito ang pagkakaroon ng sarili nilang tahanan.


Talaga namang nakakamangha ang mga ganitong klase ng tao, artista man o hindi. Ngunit kung mayroong mga kilalang personalidad na nagsimula sa ganitong estado ay mayroon din namang ilan sa kanila ang ipinanganak nang mayaman at mayroon nang mga ari-arian.



Tulad na lamang ng Kapamilya actress at isa sa pinakasikat na social media personality na si Ivana Alawi. Kamakailan lamang ay ipinasilip niya ang ipinaparenovate niyang tahanan nila sa Bahrain na ipinamana sa kaniya ng kaniyang ama na Moroccan bago ito pumanaw.


Talaga namang napakaganda ng “childhood house” ng aktres at napakalawak din. Sa ngayon ay hindi pa tapos ang pagsasaayos ng buong bahay ngunit talaga namang makikita na ang pagiging elegante at mamahalin ng magarbong bahay na ito mula sa labas ng tahanan, sa bawat sulok ng bahay at lalo’t higit sa “master’s bedroom” kung saan natutulog ang aktres.

Maraming mga netizens ang talaga namang namangha dahil sa napakayaman pala talaga ni Ivana. Ngunit sa kabila ng kaniyang karangyaan ay mapapansin pa rin ang pagiging simple nito sa kaniyang pamumuhay. Tiyak na namangha ka rin sa napakagandang tahanan ni Ivana sa Bahrain.






error: Content is protected !!