Isang teenager proud na proud sa kaniyang gown na tinahi nang mano-mano ng kaniyang mahal na lola!



Isa ka rin ba sa mga mapapalad na kabataang Pilipino na lumaki sa poder ng mga lola at lola natin? Talaga namang marami sa atin ang sasang-ayon na iba din ang pag-aalaga at pagkalinga na naranasan o nararanasan natin sa ating mga mahal na lolo at lola.



Bagamat hindi sila ang ating mga magulang ay hindi ito naging hadlang kailanman upang mabawasan ang pagmamahal at pagmamalasakit nila sa ating mga apo nila. Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na ipagmalaki din ng apo na ito ang kaniyang mahal na lola dahil sa wagas na pagmamahal nito sa kaniya.

Ibinahagi ni Arianne Marie Contreras sa kaniyang Twitter account kung gaano siya ka-proud sa kaniyang mahal na lola na kung tawagin niya ay Lola Mamay. Si Arianne ay isang Grade 10 student mula sa siyudad ng Masbate.


Talaga namang sobrang bilib at paghanga ang naramdaman niya sa kaniyang lola dahil sa ito mismo ang tumahi sa kaniyang isusuot na dress para sa kaniyang Prom Night na mano mano pa nitong ginawa! Nakakabilib hindi ba?


Ayon sa post ni Arianne sa social media ay hindi niya talaga mapigilang ipagmalaki ang kaniyang lola dahil sa araw mismo ng kaniyang Prom ay ilang oras nitong ginawa ang kaniyang napakagandang dress na hindi mo aakalaing 120 piso lamang ang halaga. Dalawang mga gowns ang tinahi ng kaniyang lola para sa kaniya at isa na nga rito ang kulay “cream” na revealing Jacquemus dress na sinuot ni Gigi Hadid sa ginanap na “Paris Fashion Week 2020”.



Kahit pa nga nasira ang kanilang makina na panahi ay hindi pa rin ito naging dahilan upang hindi siya igawa ng dress ng kaniyang mahal na lola. Maraming mga netizens ang talaga namang naka-relate at tila na-miss rin ang kanilang mga mahal na lolo at lola. Talaga nga namang walang papantay sa pagmamahal ng mga lolo at lola para sa kanilang mga apo.




error: Content is protected !!