Dawn Zulueta, mala-dalagang Pilipina pa rin sa edad na 51!



Si Marie Rachel Salman Taleon-Lagdameo o mas hinangaan ng publiko bilang si Dawn Zulueta ay isang 51 taong gulang na aktres sa pelikula at telebisyon, isang host at commercial model. Isa siya sa pinakamaningning na bituin sa industriya ng show business noon at kahit pa ilang dekada na ang lumipas ay talaga naman labis pa rin siyang hinahangaan dahil sa kaniyang pambihirang talento at pagmamahal sa pag-arte.



Bukod pa rito ay talaga namang tila hindi siya tumatanda! Ang angking kagandahan niya noon at ang kaniyang pangangatawan ay talaga namang walang pinagbago. Nakakamanghang isipin na hindi nabawasan ang kaniyang simple ngunit pambihirang kagandahan. Kamakailan nga lamang ay ipinagdiwang niya ang kaniyang ika-51 taong kaarawan.


Dahil sa dami ng mga bumuhos na pagbati sa aktres at sa mga nagmamahal sa kaniya ay hindi nito nakalimutang magpasalamat sa kanilang lahat para sa pagalaala sa kaniyang espesyal na araw. Nagbahagi siya ng isang larawan sa kaniyang social media kung saan pinamangha na naman niya ang higit sa 1.5 milyong followers niya dahil sa simple ngunit nakakabighaning ganda ng aktres.
Nilagyan pa niya ito ng caption na “Turned 51 today. Kunyari #dalagangpilipina. Kunyari lang.” Bagamat nakalagay sa kaniyang caption ang mga salitang “kunyari” lang ay siguradong-sigurado ang publiko na pwedeng pwede pa rin siyang pumasa bilang dalagang Pilipina.

Umani ng maraming mga papuri at magagandang komento ang larawan ng aktres sa social media. Siya ang kaisa-isang personalidad sa istorya ng pelikulang Pilipino ang nakapag-uwi ng dalawang “acting awards” sa isang gabi lamang, ito ay ang Best Actress at Best Supporting Actress sa 1991 FAMAS Awards.


Tunay nga na lumipas man ang maraming mga taon. Ang talento at ang kabutihang nagawa ng isang tao sa kaniyang kapwa ay mananatili ano pa man ang mangyari. Ang pagkakaroon ng magandang mukha sa kabila ng edad ay talaga namang napakagandang biyaya at pribilehiyo mula sa Diyos na dapat lamang nating ipagpasalamat sa araw-araw.






error: Content is protected !!