Assunta De Rossi excited nang makita at mayakap ang kaniyang “miracle baby”!



Ang pagbubuntis o pagdadalang-tao ang isa sa pinakamahirap, pinakadelikado at pinakakumplikadong bagay na mararanasan ng isang babae. Mula sa araw ng pagbubuntis, panganganak, pag-aalaga ng bata, at hanggang sa paglaki ng mga ito ay napakaraming sakripisyo at paghihirap ang pagdaraanan ng isang ina.



Sa kabila ng napakahirap na sitwasyong ito ay hindi nila alintana ang maaaring mangyari sa kanila dahil sa ang kalahating katawan nila ay nasa hukay habang nagsisilang. Sadyang ito pa rin ang isa sa pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo na hindi kayang tumbasan ng kahit gaano man kalaking halaga ng salapi.

Marahil ito ang nararamdaman ng soon-to-be mom na si Assunta De Rossi dahil halos 20 taon din siyang naghintay at umasang magkaroon ng sarili niyang anak. At nito lamang Mayo ng taong kasalukuyan ay ibinahagi niya sa publiko na siya nga ay nagdadalang-tao na.


“An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking! Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen. This was a miracle!” Pahayag ni Assunta nang ibahagi niya ang kaniyang pagdadalang-tao sa kaniyang social media account.



Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang larawan ang aktres habang siya ay nakasuot ng PPE, face shield at face mask para sa kaniyang check-up. Nagbahagi din siya ng “sonogram” ng kaniyang “miracle baby” at sinabing:

“Another check-up today. Si Fiore as usual, nagtatago na naman. Naku, maldita! It’s OK. Pretty soon, I’ll see her face-to-face. I’ve waited for her almost 20 years, ano ba naman yung ilang araw pa? I love you, my tiny bloom!” Pahayag ng excited na celebrity mom.




Marami ang nanalangin sa ligtas na panganganak ni Assunta sa kabila ng pandemyang kinakaharap pa rin natin hanggang sa ngayon.




error: Content is protected !!