Isang tindero ng ice cream ang nasawi habang nagpapahinga ito sa kaniyang motorsiklo!



Ang ating buhay ay hindi hawak ng kahit sino man sa atin. Ito ay biyayang ipinahiram sa ating ng Diyos at nasa sa atin ito kung paano natin ito gugugulin dito sa lupa.



Hindi madali ang mga pagsubok na ating kinahaharap sa araw-araw ngunit patuloy at patuloy pa rin tayong nagkakaroon ng dahilan upang bumangon at lumalaban sa buhay. Mahirap mang tanggipin ngunit darating din ang panahon na lilisan din tayo sa mundong ito at maiiwan ang ating mga pinaghirapang ipundar.

Ngunit ang mas masakit para sa marami ay maiiwan nila ang mga taong minamahal nila at pinakaiingatan, ang kanilang mahal na pamilya. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang ice cream vendor na ito matapos matagpuang wala nang buhay sa kaniyang motorsiklo.


Ang Indonesian na ito ay natagpuan ng mga residente ng Desa Ledokombo sa East Jawa sa gitna ng kalsada na tila hindi na kumikilos ng ilang oras kung kaya naman inalerto na nila ang mga otoridad. Ang lalaki na ito ay nakilala bilang si Misyanto.


Ang 66 taong gulang na tindero ng ice cream ay isang masipag at responsable na ama ayon sa kaniyang pamilya. Suwoco ang pangalan ng taong nakakita sa kaniyang wala nang buhay na bangkay sa kaniyang motorsiklo.

Kahit anong pagbusina ang gawin nito ay hindi na gumagalaw pa ang tindero kung kaya naman agad siyang humingi ng tulong sa kinauukulan. Ayon sa mga pulisya ay walang anumang senyales ng pananambang o pamamaslang dito bagkus ay isang medical team na ang kanilang pinamahala sa pagsusuri sa bangkay nito.



Ayon na rin sa naging pag-iimbestiga ng mga pulisya ay madalas nang sumasakit noon ang ulo ng naturang lalaki at hirap na rin ito sa paghinga ngunit patuloy pa rin itong naghanap-buhay sa ilalim ng katirikan ng araw at pabago-bagong panahon. Talaga namang nakakalungkot ang sinapit ng lalaki na ito at isang napakalaking kawalan nito para sa kaniyang pamilya.