Batang iyak ng iyak, sumakay sa jeep at pinahabol ang isa pang jeep na kinabahala ng mga pasahero at driver!



Kamakailan lamang ay kinabahala ng publiko ngunit kinagiliwan rin naman ang batang babae na ito na labis labis ang pag-iyak na sumakay sa isang jeep! Ito ay ibinahagi ng netizen na nakilala bilang si Kate Nabo.


Ayon sa kaniyang post ay naghihintay pa lamang sila na mapuno ang sinasakyan niyang jeep noon ngunit bigla na lamang sumakay ang batang babae at talaga namang iyak ito ng iyak. Magalang na nakisuyo ito sa driver ng jeep kung maaari nilang habulin ang jeep na itinuro nito.



At dahil nga sa pagkabahala at pangamba ay agad naman ding tumulong ang driver ng sinakyang jeep ng bata. Nang tanungin ng driver ang dahilan kung bakit nila hinahabol ang naturang jeep, agad namang sumagot ang bata at sinabing naiwan niya kasi ang “tupperware” niya doon.
Hindi man sinasadya ngunit talagang natawa ang lahat ng pasahero ba sakay ng naturang jeep at maging ang driver. Dahil dito ay hindi na rin pinagbayad pa ng mabait na driver ang batang babae.

Umani ng maraming mga komento at reaksyon mula sa publiko ang kwento ng batang ito. Talaga namang maraming mga netizens ang nakarelate sa batang ito lalo na noong araw na kapag naiwan mo o naiwala mo ang payong ng iyong nanay o di kaya naman ay ang iyon mga baunan ay tiyak na papaluin ka pagdating sa bahay.


Kakaiba mang maituturing at talaga namang nakakatawa ang ganitong sitwasyon ngunit para sa maraming mga kabataang Pilipino ay isa itong kritikal at delikadong sitwasyon lalo na kung batid mo kung gaano ka-higpit at ka-istrikto ang iyong ina o ama pagdating sa pagsisinop ang pag-iingat ng inyong mga gamit. Kung kaya naman sa mga susunod pang panahon ay tiyak na mas marami pang mga kabataan ang magiging maingat sa kanilang mga sariling gamit lalo na kung batid nila kung anong mangyayari kung sila ay magpapabaya sa mga ganitong bagay.




error: Content is protected !!