Wedding pictorial sa sabungan, umani ng sari-saring komento mula sa publiko!



Hindi biro ang pagpaplano ng isang kasal. Bukod sa dapat ay mayroong sapat na budget para dito ay talaga namang paglalaanan mo ito ng oras at panahon.

Lahat naman ng nagpaplano ng kasal ay nagnanais na maidaos ito ng mapayapa at walang aberya. Ang pagiging simple o enggrande ng isang kasal ay hindi na nga importante sa panahon natin ngayon dahil mas mahalaga na masaya ang magkasintahang ikakasal hindi lamang sa seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib ngunit maging sa kabuuang gastos na rin ng kanilang kasal.



Marami nang mga kasalan ngayon ang pumukaw sa atensyon ng publiko. Ilan na marahil dito ang mga eco-friendly na kasalan, o di kaya naman ay mga sikat na artistang mas pinipiling magdaos ng “minimalist wedding”.


Siyempre hindi pa rin mawawala ang “luxurious and extravagant weddings” at ang “fairytale-like weddings”. Ngunit maliban sa mga kakaibang kasalang ito ay talaga namang pumukaw din sa atensyon ng marami ang wedding pictorial na ito na sa isang sabungan lang naman idinaos!

Nakakapagtaka hindi ba? Dahil sa alam naman ng marami na ang pagsasabong ay isa sa mga pinakaayaw ni misis na bisyo ni mister kahit noong araw pa ng ating mga lolo at lola.


Ang viral na video na ito ay kuha sa Nadongholan Cockpit sa Ormoc. Ang bagong kasal sa naturangvideo ay nakilala bilang sina Harvey at Rose Ann mula sa Ormoc City sa Eastern Visayas. Ang dapat sana ay dalawang kalapating puti na pinaghahalik ng bagong kasal ay naging mga manok na panabong.



Makikita ang buong team habang kinocover nila ang naturang pictorial sa loob mismo ng sabungan. Talaga namang umani ito ng sari-saring komento at reaksyon mula sa publiko.

Maraming mga nagtataka kung bakit nga kaya sa sabungan napili ng bagong kasal idaos ang kanilang wedding pictorial. Habang mas marami naman ang natuwa at giliw na giliw sa ideyang ito.

Hindi rin talaga matatawaran ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa maraming mga bagay.






error: Content is protected !!