Kilalanin ang napakagandang kapatid ng Kapamilya actress Ivana Alawi na si Amira Alawi!



Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala kay Ivana Alawi? Siya na ngayon ang bagong pantasya ng bayan! Hindi lamang mga kalalakihan ang nahuhumaling sa kaniya kundi maging mga kababaihan din. Siya ay 23 taong gulang na modelo at aktres.


Isa rin siya sa pinakakilalang YouTuber at social media influencer sa ngayon. Malimit niyang kasama ang kaniyang nakababatang kapatid na si Mona Louise Rey sa kaniyang mga vlogs na isa ring sikat na artista. Talaga namang kinagiliwan ng maraming mga Pilipino ang magkapatid na ito dahil sa kanilang mga “pranks” at funny videos na magkasama at lalo’t higit sa pagiging sweet nila sa isa’t-isa. Kapansin-pansin ang pagmamalasakit at pagmamahal nila sa isa’t-isa.




Ang nakakatuwa, simple, at walang kaarte-arteng personalidad ni Ivana ang talaga namang minahal at kinabiliban sa kaniya ng publiko. Sa katunayan ay mayroon na siyang higiy sa 4.6 milyong subscribers sa kaniyang YouTube channel pa lamang!


Kadalasang makikita ang mommy ni Ivana, ang kaniyang kapatid na si Mona at ang kaniyang kapatid na lalaki sa kaniyang mga vlogs. Ngunit marami ang nagtataka kung sino nga ba si Amira Alawi na kapatid ng aktres na diumano ay kasing ganda rin ni Ivana?



Tulad na lang ni Ivana, si Amira ay mayroon ding kakaibang ganda lalo na ang kaniyang mala-anghel na mga mata, nakakatunaw na mga ngiti, at ang kaniyang balingkinitan na katawan! Kung tutuusin ay maaari din siyang maging bahagi ng show business industry.


Mapapansin din sa mga posts nina Ivana at Amira sa kanilang social media kung gaano sila ka-close sa isa’t-isa. Madalas na pinupuri ni Amira si Ivana sa social media at sinasabi nito na number 1 fan siya ng kaniyang kapatid.



Talaga namang nakakatuwang makita na masaya at nagmamahalan ang isang pamilya lalo na ang mga magkakapatid. Dahil walang ibang magmamalasakit at magmamahal sa kanila kung hindi ang bawat isa. Sadyang napakagandan inspirasyon nito para sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kabataan.




error: Content is protected !!