Silipin ang napakaganda at napakalawak na bukirin sa Tanay, Rizal ni Sarah Geronimo!



Si Sarah Geronimo o si Sarah Asher Tua Geronimo-Guidicelli sa tunay na buhay ay 31 taong gulang na singer, aktres, at record producer. Siya ay una nang nakilala noon nang manalo siya sa singing contest na “Star For A Night” kung saan nagwagi din siya ng recording contract sa Viva Records.



Bukod sa napakaganda niyang tinig at talaga namang nakakamanghang pag-indak sa entablado ay hinahangaan din ang kaniyang kahusayan bilang isang aktres. Siyempre, sino ba naman ang makakalimot sa kaniyang sikat na awitin na “Tala”?


Ito ay talaga namang naging viral hit sa iba’t-ibang panig ng bansa at maging sa buong mundo. Bukod sa kaniyang mga talento ay hindi rin mawawala kay Sarah ang bukas-palad na pagtulong para sa mga taong nangangailangan lalo na sa mga kabataan at mga taong mayroong malalang sakit.


Naging mas maugong nga din ang kaniyang pangalan nang malaman ng publiko ang patungkol sa naging kaguluhan sa pribadong kasal nila ng kaniyang mister na ngayon na si Matteo Guidicelli. Maaalala na Nobyembre 2019 nang ibahagi ni Sarah at ng kaniyang matagal nang nobyo na si Matteo ang kanilang engagement.



Pebrero 20, 2020 naman nang ikinasal ang dalawa sa isang pribadong Christian wedding sa Victory Church sa The Fort. Talaga namang isa siya sa pinakasikat at pinakahinahangaang celebrity sa ngayon. Hindi na nakapagtataka na magkapagpundar siya ng maraming mga ari-arian mula sa kaniyang pinaghirapang pera.


At ayon sa ilang mga ulat si Sarah ay mayroong net worth na P3.82 billion! Sadyang napakalaking halaga ng pera! Hindi na rin nakapagtataka na mabatid ng publiko ang kaniyang farm sa Tanay, Rizal. Ang farm na ito ay pagmamay-ari talaga ng kaniyang lolo ngunit si Sarah na ang nagtutustos ng pinansyal na pangangailangan nito.

Napakaraming mga pananim sa farm nila na ito. Bukod sa mga halaman at prutas at mayroon pa silang café na pinangalanan nilang “Geronimo’s Cafe and Restaurant” na pinapatakbo at pinamamahalaan ng kaniyang mga magulang.






error: Content is protected !!