Isang pasyente na nagpositibo sa coronavirus binigyang-diin na dapat ay lumayo o umiwas sa maraming tao upang maiwasan ang paglaganap ng naturang sakit!



Isang lalaki mula sa Ohio na nagpositibo sa coronavirus ang mariing pinaalalahanan ang publiko na huwag gawing biro ang “social distancing”. Huwag din dapat tayong masyadong magpakakampante sa hindi pa nakikilalang virus na ito dahil sa ito ay laganap na sa napakaraming mga bansa sa mundo.



Ito ang naging pahayag ni Kevin Harris, 55 taong gulang na sa ngayon ay nagpapagaling sa Mercy Health St. Joseph Warren Hospital. Ibinahagi niya sa kaniyang Facebook live video ang naging karanasan niya sa naturang karamdaman.

Ayon sa kaniya ay ika-2 ng Marso ng mapansin niya ang naging epekto ng virus sa kaniyang pangangatawan, nagkaroon siya ng ubo na kalaunan ay naging sakit na ng buong katawan at sakit sa ulo. Inakala niyang trangkaso lamang ito dahil sa wala naman siyang sipon o sore throat ng mga panahong iyon.


Ika-8 pa ng Marso ng maipasok siya noon sa ospital sa tulong na rin ng isa niyang kaibigan. Marso 11 naman ng nagpositibo siya sa naturang karamdaman at siya na nga ang naging ikalimang kumpirmadong kaso nito sa estado ng Ohio. Habang siya ay nakahiga sa kaniyang hospital bed ay binigyang-diin niya ang kahalagahan ng “social distancing”.


Ayon sa kaniya ay dapat umiwas sa mga lugar na maraming tao, huwag makipaghawakan ng kamay, huwag magyakapan. Palagiang maghugas ng kamay, huwag halikan ang inyong mga anak dahil sa hindi natin alam kung sino nga ba sa atin ang mayroong dala ng virus na ito.



“People need to stay away from other people. They call it social distancing- I say just be anti-social. Just stay away from other people,” dagdag pa ni Harris.

Isa siya sa 37 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Ohio at isa sa halos 3,602 sa Estados Unidos ayon na rin sa New York Times. Tunay nga na hindi dapat natin ipagsawalang-bahala ang mga nangyayari sa ating kapaligiran sa ngayon. Mas mabuti nang maging responsable at disiplinado kaysa naman magsisi tayo sa bandang huli.




error: Content is protected !!