Isang Pinoy netizen mula sa China, nagbabala sa mga Pilipino na maaaring maging susunod na Wuhan ang Pilipinas!



“Ang Maynila na ang susunod na Wuhan!”, ito ang naging babala at paalala ng isang Pilipinong nasa China sa ngayon sa maraming mga Pilipino na patuloy na nagmamatigas pa rin sa pagsunod sa mga panukala ng gobyerno patungkol sa “enhanced community quarantine” para sa buong isla ng Luzon.



Dahil na rin sa talamak na sa social media at sa press ang mga balita patungkol sa paglaganap ng coronavirus d!sease ay marami nang mga Pilipino ang labis na nababahala at nababalisa kung tunay nga ang mga bali-balita na magugunaw na ang mundo at tuluyan nang nagaganap ang mga senyales at mga dapat maganap ayon sa Bibliya!


Talaga namang marami nang mga tao sa iba’t-ibang bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo ang naapektuhan at nakaranas ng nakakatakot na sakit na ito. Isa na marahil sa mga ito ang isang Pinoy na nagtatrabaho sa China na nakilala bilang si DJ Loonyo.


Ibinahagi niya sa publiko ang naging karanasan nila sa China noong pumutok ang mapanganib na sakit na ito. Sinasabing ang Wuhan, China ang pinagmulan ng COVID-19 na ngayon ay nagpapahirap at sumasalanta sa napakaraming mga tao sa buong mundo.


Binigyang-diin niya ang kaniyang payo para sa minamahal niyang mga kababayan na huwag sanang balewalain ang naturang virus dahil kapag hindi pa nakipagtulungan ang maraming mga Pilipino at mas uunahin pa nila ang kanilang mga trabaho at mga reklamo sa buhay ay tiyak na magiging Wuhan na ang buong Maynila. Labis din ang kaniyang paghanga sa maraming mga Chinese dahil sa pagsunod nila sa mga kinauukulan.



Ang isang buwan at dalawang linggo na naging total lockdown sa kanila ay nakatulong ng malaki upang unti-unting makabangon ay maging maayos muli ang China. Ito ay nagsilbing babala at paalala na rin sa bawat Pilipino na sa mga panahon ito ay mas nararapat na magtulungan tayo upang mapuksa ang hindi nakikitang kalaban kaysa magsisihan at maghanapan ng butas o di kaya naman ay maghatakan pababa.

Ito na ang panahon upang ipakita natin sa mundo na bilang mga Pilipino ay kaya nating magkaisa para sa pagbangon muli ng ating bansa!






error: Content is protected !!