Mga doktor, pinakiusapan ang publiko na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan upang hindi na kumalat pa ang COVID-19!



Hindi lingid sa ating mga Pilipino ang patuloy na paglobo ng bilang ng mga taong apektado ng nakakatakot na sakit na COVID-19 hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa marami pang mga bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo.



Kahit pa matindi na ang panawagan ng ating gobyerno patungkol sa “enhanced community quarantine” na ipinapatupad sa maraming siyudad at munisipalidad sa bansa sa ngayon ay tila wala pa ring nangyayari at patuloy pa rin sa pagrereklamo ang publiko.


Talaga namang nakakapanglumong isipin na hindi pa rin maintindihan ng ilang mga Pilipino na dapat ay manatili na lamang sa ating mga tahanan upang hindi na mahawa o makahawa pa ng virus. Ngunit sa kabila ng matinding panawagan na ito ay tila naglalaro lamang ang publiko at hindi pa talaga nila naiintidihan ang matinding panganib ng hindi pa nakikilalang sakit na coronavirus.


Kamakailan nga lamang ay nanawagan na rin ang ilang mga doktor sa publiko upang hindi na tuluyan pang maging komportable ang publiko sa krisis na nangyayari sa atin ngayon. Ilang mga doktor ang nagpaalala sa publiko na nananatili pa rin sila sa kanilang mga trabaho hanggang sa ngayon kahit pa ang ibig sabihin nito ay maaari ring manganib ang kanilang mga buhay kung kaya naman nakikiusap sila na manatili na lamang tayong lahat sa ating mga tahanan.



Ang ating mga “frontliners” ay nagsisilbing bayani ng ating bayan sa mga panahong ito. Kung kaya naman nais nilang kumbinsihin ang publiko na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan at huwag nang lumabas pa.

Ang simpleng hakbang na ito ay napakadali lamang ngunit magsisilbi itong napakalaking tulong para sa ating mga doktor at iba pang mga medical workers. Kung kaya naman para sa marami nating mga kababayan, ito na ang panahon upang magtulungan tayo, matuto sana tayong magsakripisyo, sumunod, maging disiplinado, at responsable.




Hahayaan pa ba natin na maging huli na ang lahat bago tayo magising sa katotohanan na hindi biro ang krisis na kinahaharap natin sa ngayon?




error: Content is protected !!