KC Concepcion, pag-iisipan na ang pag-aasawa sa oras na humupa na ang banta ng coronavirus sa buong mundo!



Sabi ng mga matatanda, hindi tayo bibigyan ng mga pagsubok ng Panginoon kung hindi naman natin kaya sa una pa lang. Kung kaya naman kahit ano pa ang iyong kinahaharap na problema at suliranin sa ngayon, tiyak na malalampasan at mapagtatagumpayan mo rin ang mga ito sa tamang panahon na ipagkakaloob sa iyo ng Panginoon.


Tulad na lamang ng kinahaharap na krisis sa ngayon ng ating bansa at ng iba pang mga bansa sa buong mundo. Ang paglaganap ng sakit na coronavirus ay talaga namang nakakabahala at nakakatakot lalo na sa mga bata, matatanda, at maging sa mga taong may kapansanan dahil sila ang pinaka-naaapektuhan nito.




Nakakalungkot mang isipin na marami ang binawian ng kanilang mga buhay at maraming mga taong naapektuhan nito ay patuloy pa rin tayong nagiging positibo sa pagdaan ng mga araw. Ayon sa Siyensya ay mas bumaba na ang matinding polusyon sa ating mundo dahil sa pagsasara ng malalaking mga pabrika at kompanya at dahil na rin sa pagsususpinde ng mga transportasyon.

Maging ang mga kapulisan ay namamangha rin dahil ang kriminalidad ay talaga namang bumababa na rin ang porsiyento. Kamakailan nga lamang ay kinagiliwan ng publiko ang post ng aktres na si KC Concepcion patungkol sa kaniyang realization sa mga kaganapang ito.


Ayon sa kaniya ay ikokonsidera na niya ang pag-aasawa pag humupa na ang ating sitwasyon dahil sa ayaw na niyang mag-isa pang muli sa kaniyang tahanan. Buti pa diumano ang kaniyang personal assistant ay nasa piling ng “jowa” nito.


Habang siya ay nagluluto ay napadungaw siya sa kaniyang bintana at talaga namang natuwa siya nang kawayan siya ng kaniyang kapitbahay. Talaga namang hindi madali ang mag-isa sa tahanan man o sa totoong buhay, kung kaya naman marami rin ang nakakaunawa sa pinagdaraanan na ito ni KC.


Tiyak na kapag naging maayos na ang lahat ay pakaaabangan na natin ang kaniyang pagpapakasal.