Walang maiiwan: Maynila, nag-set up ng pansamantalang tirahan para sa mga Manileñong walang tahanan!



Naghanda ng pansamantalang tirahan ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa kanilang mga kababayan walang tahanan at naninirahan lamang sa lansangan. Ito ay upang maproteksyunan sila sa lumalaganap na sakit na coronavirus sa maraming bansa sa buong mundo.


Hindi na dapat pang alalahanin ng mga taga-Maynila na walang sariling tahanan ang kanilang tutuluyan sa gitna ng nakakasang community quarantine dahil sa ang kanilang lokal na pamahalaan na mismo ang nagsiguro at gumawa ng hakbang upang magkaroon sila ng pansamantalang mga tirahan. Nakipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Manila sa Department of Social Welfare and Development upang matulungan ang mga taong ito na nakatira sa lansangan.




Dinala sila sa pansamantalang tutuluyan nila na matatagpuan sa Delpan Covered Court. Narito ang ibinahaging pahayag ng Public Information Office ng Maynila:

“WALANG MAIIWAN: Sa gitna ng banta ng COVID-19, pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa tulong ng Manila Department of Social Welfare, ang pag-rescue sa mga street dwellers upang bigyan ng pansamantalang matutuluyan sa Delpan Covered Court.”



Kasama naman ng butihing alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno ang kanilang Vice Mayor na si Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan upang inspeksyunin ang naturang temporary shelter facility. Ang pansamantalang tahanan nilang ito ay mayroong “individual modular tents”, at mga malilinis na palikuran.


Mayroon din silang rasyon ng pagkain araw-araw. Bukod pa sa mga ito ay binibigyan rin sila ng mga hygiene kits at mga face masks kanilang magagamit. Sa kasalukuyan ay mayroon nang 145 na mga evacuees sa Delpan Covered Court at inaasahang dadami pa ang kabuuang bilang ng mga ito.


Hindi lamang pala mga taga-Maynila ang maaaring manatili sa kanilang temporary shelters dahil maging ang mga taga-ibang siyudad ay malugod din nilang tatanggapin. Sa katunayan, sa 145 na mga evacuees ay 22 lamang ang taga-Maynila, 72 ang mula sa mga kalapit na siyudad habang 51 sa kanila ang talagang walang mga tirahan.



“Kapag panahon ng kalamidad hindi tayo pwedeng pumili ng tao. Kahit hindi tiga-Maynila, tumutulong tayo. Sa totoo lang, mas marami ang hindi tiga-Maynila pero hindi natin sila p’wedeng pabayaan.” Pahayag ng Manila Department of Social Welfare Director na si Rey Fuguso.




error: Content is protected !!