Isang netizen iginuhit ang Rizal Park sa Luneta gamit lamang ang Microsoft Excel!



Bawat tao ay mayroong kaniya-kaniyang mga talento. Maaaring marami sa atin ang hindi pa ito nadidiskubre ngunit kalaunan ay magugulat ka na lamang dahil sa kaya mo palang gawin ang isang bagay na noon ay inaakala mong hindi.



Ilan sa mga talentong alam ng marami sa atin ay ang pambihirang talento sa pagsayaw, pag-awit, pagtula, paggamit ng mga instrument sa musika, pagguhit at marami pang iba. Tunay nga na sa mga panahon ngayon na marami sa atin ay nasa loob lamang ng ating mga tahanan, mas mabuting sulitin natin ang bawat oras at ang bawat panahon na mayroon tayo kasama ang ating mga mahal sa buhay at patuloy pa rin nating linangin ang mga talentong kaloob sa atin ng Diyos.

Tulad na lamang ng isang netizen na labis na hinahangaan sa ngayon dahil sa kamangha-mangha niyang obra maestro. Hindi lamang kasi siya simpleng gumuhit. Dahil sa ginawa niyang medium ang computing software na Microsoft Excel.



Siya ay walang iba kung hindi si Robert Stephen Nuñez. Pinabilib niya ang maraming mga netizens dahil sa kaniyang obra maestro na walang katumbas. Sino ba naman ang mag-aakala na maaari pa lang gamitin upang makalikha ng magandang larawan ang isang software na nilikha para gumawa ng computations. Ang iginuhit ni Robert ay ang Rizal Park sa Luneta, Maynila.

Talaga namang bibilib sa kaniya dahil sa panahong ginugol niya upang matapos ang kaniyang nilikha. Kitang-kita sa kaniyang ginuhit ang dambana ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.



Mayroon ding mga taong namamasyal sa harapan ng dambanang ito at mayroon ding nagtitinda ng sorbetes na isa sa pinakakilalang pangpalamig sa Pilipinas. Gawa sa mga cells ng Microsoft Excel ang buong larawan na ito na buong tiyaga niyang kinulayan. Umabot na daw sa 87,346 cells ang likha niyang ito.



Ang naturang post ay mayroon nang higit sa 34,000 reactions, 2,400 comments, at 16,000 na mga shares.



error: Content is protected !!