Mga doktor mula sa Cuba, bumiyahe patungong Italy upang tumulong sa mga apektado ng COVID-19!



Isang medical team mula sa Cuba na binubuo ng 52 na mga health professionals ang nagtungo sa Italy upang tumulong sa pagsugpo ng nakakatakot at mapanganib na sakit na COVID-19 na sa kasalukuyan ay talaga namang patuloy pa ring kumakalat sa bansa. Karamihan sa mga doktor na ito ay galing pa sa Africa kung saan tumulong rin sila laban sa Ebola.

Sa Lombardy nagtungo ang mga doktor na ito kung saan mayroong maraming mga kaso ng naturang sakit. Bago pa man umalis sa kanilang bayan ang mga doktor na ito ay pinaalalahanan na sila ng kanilang mga Minister of Public Health na si Dr. Jose Angel Portal, First Secretary of the Communist Party of Cuba, Raul Castro, at ng kanilang Presidente na si Miguel Diaz-Canel na ingatan at alagaan nila ang kanilang mga sarili at tapusin ang kanilang misyon.



Ayon sa ilang mga ulat, ito na ang ikaanim na medical team mula sa Cuba na ipinapadala upang tumulong sa kumakalat na pandemya sa buong mundo. Matapos nito ay mayroon pang karagdagan na 144 na mga health workers ang umalis ng Jamaica upang tumulong sa pagsugpo ng sakit na ito.

Ang naturang grupo ay binubuo ng mga doktor at nars mula sa iba’t-ibang panig ng kanilang bansa kung saan 70% sa mga ito ay mga kababaihan. Ang iba pang Cuban medical team ay ipinadala na rin kamakailan lamang upang tumulong naman sa Venezuela, Nicaragua, Suriname at Grenada.



Tunay nga na kung sama-sama at tulong-tulong ang bawat isa ay makakayanan nating mapagtagumpayan ang krisis na ito na patuloy pa ring lumalaganap sa buong mundo. Marami pa ring mga tao ang apektado, marami ang mga nasasawi at naghihirap pa sa mga pagamutan.

Ngunit huwag pa rin sana tayong mawalan ng pag-asa dahil wala naman tayong pagsubok na hindi malalampasan lalo na kung tayo ay sama-sama at nagtutulungan para sa isa’t-isa.



error: Content is protected !!