Napakagandang larawan ng bundok ng Sierra Madre na hinangaan ng publiko!



Isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng napakagandang tanawin na ito ng kabundukan ng Sierra Madre sa kaniyang social media account. Talaga namang kitang-kita ang kabundukan sa maaliwalas na kalangitan dahil sa walang usok o polusyon sa maraming mga lugar sa Maynila ngayon.

Sa gitna ng takot at pangamba na naidudulot ng enhanced community quarantine na ipinapatupad ngayon sa iba’t-ibang panig ng bansa ay tunay nga na mayroon pa ring magandang naidudulot ang mga pangyayaring ito sa ngayon. Para sa netizen na si Johair Addang ang pagkakasuspinde sa transportasyon sa ating bayan at ang kawalan ng mga sasakyan sa ating kakalsadahan ay nagdudulot ng napakagandang pagbabago sa ating kapaligiran.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi niya ang nakakamanghang ganda ng ating kapaligiran lalo na kung walang polusyon at usok na nangingibabaw rito. Sa mga larawang ibinahagi niya online ay hindi lamang matataas na mga gusali ang makikita at ang maraming mga bahay at establisyemento ngunit ang napakagandang kabundukan ng Sierra Madre.



Nakatira si Johair malapit sa Shaw Boulevard kung saan niya kinuhanan ang napakagandang tanawin gamit lamang ang kaniyang cellphone. Sinong mag-aakala na cellphone lamang ang ginamit niyang pangkuha sa mga larawang ito?

“Dati ko pang nakikita ‘yang mountain range ng Sierra Madre pero shadow lang siya, walang details. Ngayon kahit paulit ulit mo syang tingnan malinis sya at kitang kita talaga,” pagbabahagi ni Johair sa CNN Philippines.

Maraming mga netizens ang talaga namang namangha sa mga larawang ito. Ilan din sa kanila ang muling sinariwa ang krisis na pinagdaraanan natin sa ngayon ngunit kahit papaano ay natutuwa sila dahil sa mayroon pa ring mga magaganda at positibong bagay nangyayari sa paglipas ng mga araw.



Isang netizen ang nagkomento sa naturang post at sinabing:
“There are always the good side and the bad side of every happenings in our lives. Today we are confronted by this dreaded Coronavirus, but today also we once again saw the beauty of nature. Lesson? There is always a trade off because we can never have it all at one time. Our LORD God is an awesome God, let us always call on HIM no matter what life brings.



error: Content is protected !!